Paggunita ng All Saints’ Day ng mga Pinoy pinagtawanan ni Du30
PININTASAN ni Pangulong Duterte ang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ng mga Katoliko.
“Bakit naman… Sabagay itong t****** talaga itong mga Katolikong p***. Bakit naman may All Souls’ Day tapos may All Saints’ Day?” sabi ni Duterte sa kanyang pagsasalita kahapon matapos bumisita sa Isabela na kabilang sa apektado ng bagyong Rosita.
Ito’y sa kabila naman ng naunang pahayag na inilabas ng Malacanang para sa paggunita ng All Saints’ Day kung saan hinimok pa ni Duterte ang mga Pinoy na gayahin ang kadakilaan ng mga Santo.
“Hindi nga natin alam kung sino ‘yang mga santo na ‘yon. Sino ‘yung mga g*** na ‘yon? Mga lasenggo,” dagdag pa kay Duterte.
Sa kabila naman ng kanyang pagbatikos, dinalaw naman ni Duterte ang puntod ng kanyang mga yumaong mga magulang.
“Dito na lang kayo. I’ll give you one pat — ah isang patron na ano para hindi na kayo mag-pasyal. Get hold of a picture of mine. ‘Yan ang ilagay niyo sa altar — Santo Rodrigo,” sabi pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.