Awra ‘nagparamdam’ na sa socmed matapos makulong

Awra Briguela ‘nagparamdam’ na sa socmed matapos maaresto at makulong; todo promote sa bagong serye

Pauline del Rosario - August 10, 2023 - 10:38 AM

Awra Briguela ‘nagparamdam’ na sa socmed matapos maaresto at makulong; todo promote sa bagong serye

PHOTO: Instagram/@awrabriguela

MAKALIPAS ang mahigit isang buwan, nagparamdam na sa social media ang actress-comedienne na si Awra Briguela.

Bagamat nananatili pa ring tikom ang kanyang bibig sa kinasangkutan na gulo ay todo promote siya ngayon sa bago niyang proyekto na kinatatampukan.

Ito ang upcoming series na may titulong “Comedy Island Philippines.”

Sa Instagram, ibinandera ng komedyana ang poster nito at makikita na ang mga makakasama niya sa proyekto ay sina Andrea Brillantes, Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, Jerald Napoles, Drew Arellano, Cai Cortez at Justine Luzares.

Caption pa niya riyan, “Ready na kami for #ComedyIslandPH! August 31, only on Prime Video.”

Baka Bet Mo: Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Sa isa pang hiwalay na IG post ay inihayag ni Awra na excited na siyang ipalabas ito.

“Can’t wait for #ComedyIslandPH!,” wika niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Matatandaang hinuli si Awra noong June 29 ng madaling araw dahil sa rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City kung saan sinabing ipinatanggol lamang nito ang mga kaibigang babae dahil hinipuan umano ng isang lalaki.

Pero base sa inireport na CCTV footage ng nasabing bar ay nakita kung ano talaga ang naganap sa pagitan ni Awra at ng lalaking nagngangalang Mark Christian Ravena.

Ayon sa staff ng bar, humiling ang grupo nina Mark kay Awra na magpa-picture ngunit sabi raw ng aktres ay maghubad muna ang guy bago siya pumayag.

Makikita pa nga sa isang video clip na hinatak ni Awra ang t-shirt ni Mark hanggang sa matumba sila at mapunit ang damit ng lalaki.

Hindi raw maawat ang dating child star kahit anong pigil pang gawin ng mga bouncer hanggang sa lumabas na sa bar ang mga involved at nauwi na sa rambulan.

Dahil sa nangyari, si Awra ay naharap sa mga reklamong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.

July 1 naman ay nakalaya si Awra matapos makapagpiyansa sa halagang P6,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

Awra Briguela may patutsada sa Twitter, sino kaya ang tinutukoy na ‘paepal’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending