Andi Eigenmann, Philmar Alipayo tutuparin ang pangarap na magka-surf school at snack bar sa Siargao | Bandera

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo tutuparin ang pangarap na magka-surf school at snack bar sa Siargao

Therese Arceo - April 06, 2022 - 08:33 PM

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo tutuparin ang pangarap na magka-surf school at snack bar sa Siargao
SA muling pagbabalik nina Andi Eigenmann kasama ang pamilya sa kanilang tahanan sa Siargao ay naging abala sila ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.

Sa kanyang bagong vlog at ibinahagi ng aktres ang kanilang balak na pagbubukas ng surf school pati na rin ng snack bar.

Kuwento niya, matagal nang plano ng kanyang partner ang magkaroon ng surf school at ngayon nga ay unti-unti na nila itong tinutupad.

“We are spending the morning here while waiting for papa who’s busy there working because finally, he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop. Ngayon, nag-partner up na siya with Mang Carding of Kanaway Surf School,” saad ni Andi.

Pagpapatuloy niya, “So they are going to open Kanaway together this time and preparing the shop in time for you guys this summer.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

 

Inaasahan ni Andi na mabubuksan na nila ang kanilang surf school sa susunod na linggo para samantalahin na rin ang bugso ng mga turista na paniguradong magpapaturo mag-surfing sa pagdalaw nila sa Siargao lalo na’t Holy Week.

Panigurado kasing malaki ang maitutulong nito sa ating mga kababayan lalo na’t hindi pa rin lubos na nakababangon ang ilan sa mga residente ng Siargao sa pananalasa ng super typhoon Odette noong Disyembre 2021.

 

 

“It would be obviously such a great help to the surfing instructors here kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” dagdag ni Andi.

Bukod pa rito ay magtatayo rin ng snack bar ang aktres na hindi naman kalayuan sa kanilang surf school kung saan mag-o-ooffer sila ng iba’t ibang klaseng pagkain at inumin para sa mga turista na balak mag-surfing or tumambay malapit sa beach.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Andi biglang naiyak nang mabasa ang message ng kaibigan matapos bayuhin ni Odette ang Siargao

Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for

Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending