Philmar Alipayo kahit lasing hindi makikipag-flirt sa ibang girl

Philmar kahit lasing hindi makikipag-flirt sa ibang girl, loyal kay Andi

Ervin Santiago - June 11, 2024 - 11:00 AM

Philmar kahit lasing alam pa rin ang ginagawa, super loyal kay Andi

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

SA WAKAS nagsalita na ang champion surfer na si Philmar Alipayo tungkol sa kanyang viral video na may kasamang ibang babae sa isla ng Siargao.

Mariing itinanggi ng fiancé ni Andi Eigenmann na nakipaglandian at nakipag-flirt siya sa content creator na si Crissa Liaging, ang babaeng kausap ni Philmar sa kumalat na video sa social media.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” sinabi ni Tito Boy na totoong umiinom siya nang lapitan siya ni Crissa kaya naman nakipagkuwentuhan siya rito.

Baka Bet Mo: Philmar naglabas ng resibo para patunayang si Andi lang ang mahal

“Nakausap ko rin po ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo and for the first time, Philmar address itong umiikot, itong current issue ngayon tungkol sa kumakalat na viral video that is causing a stir on social media,” sabi ni Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“What happened was, uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that’s it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi.

“Kaya nu’ng una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” sabi pa ng King of Talk.

Sabi pa ni Philmar kay Tito Boy, palagi naman siyang may nakakausap na turista sa Siargao at karamihan sa mga ito ay talagang nagpapa-picture sa kanya.

Depensa pa ng partner ni Andi, “Kahit paano, kahit sobra kong lasing, alam kong may ano (limitation).”

Sabi naman ni Andi, “What bothers me is finding out that it was done on purpose.

Baka Bet Mo: Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila, first time na hindi kasama ang mga anak

“That the person in the video was the one who posted it. That’s what bothered me because you just created something super unnecessary.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“In terms of what people think he’s doing or his intentions were, that doesn’t matter to him I guess because the only opinion that matters to him is mine. Hindi niya naman asawa ‘yong mga tao na iyan,” aniya pa.

Nag-viral ang video nina Philmar at Crissa sa social media nitong nagdaang buwan kung saan umani ng kaliwa’t kanang batikos ang dalawa, lalo na ang girl na pinakain ng masasakit na salita ng netizens.

Agad namang pinabulaanan ni Crissa na nakikipag-flirt siya kay Philmar kaya wala raw dahilan para i-bash at bastusin siya.

“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang isyu sa social media. Alam ko mga kaibigan na mali ko, ako rin ang naglaglag sa aking sarili,” ang sabi ni Crissa sa salitang Bisaya.

“Walang flirting na nangyari dahil nasa public place kami. At hindi ko rin ma-please si Philmar the way siya tumingin at mag-act sa akin.

“Ang mali ko lang talaga mga kaibigan, hindi ako dumistansya. Pero ‘yang sinasabi n’yo na lumalandi ako, hindi ako lumandi dahil alam kong pamilyadong tao siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sa akin lang mga kaibigan, masyado akong na-overwhelm dahil hindi ko inakala na kilala din pala niya ako.  At ‘yung conversation namin ni Philmar, wala kaming ibang topic nu’n, about lang sa isa niyang kasama na surfer,” paliwanag ni Crissa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending