Philmar naglabas ng resibo para patunayang si Andi lang ang labs

Philmar naglabas ng resibo para patunayang si Andi lang ang mahal

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 10:17 AM

Philmar naglabas ng resibo para patunayang si Andi lang ang mahal

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

NAGLABAS ng resibo ang champion surfer na si Philmar Alipayo na very much together pa rin sila ng kanyang fiancée na si Andi Eigenmann.

Mukhang “unbothered” naman si Philmar sa mga naglabasang chika tungkol sa umano’y pakikipag-flirt niya sa content creator na si Crissa Liaging nang magkrus ang landas nila sa Siargao.

Ito yung viral TikTok video kung saan makikita ang malapitang pag-uusap nina Philmar at Crissa na pinagpiyestahan ng mga netizens at nilagyan ng malisya.

Baka Bet Mo: Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi?

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Philmar ng ilang photo nila ni Andi na tila nais ibandera sa buong universe na okay na okay sila ng aktres sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Makikita naman sa isang photo na ibinahagi ni Philmar ang sweet na sweet na posing nila ni Andi kasama ang anak nilang si Lilo.

Ang inilagay niyang caption sa kanyang IG post ay, “National Couple Day! Post your other half (heart emoji).” Base sa naturang post, kuha ang mga litrato ng pamilya Alipayo sa Thunderbird Resorts & Casinos-Poro Point sa La Union.

Nitong nagdaang May 25 ay naging hot topic ng mga Marites sa social media ang TikTok video ni Crissa kung saan kausap niya ang naka-topless na si Philmar.

Baka Bet Mo: Hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto fake news, naglabas ng resibo

Ang caption na nakalagay sa video, “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!” Kasunod nito, matinding pambabatikos na ang natanggap ng content creator.

Nagsalita na si Andi tungkol sa viral video ng kanyang future husband. Aniya, “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


“What’s shameful is purposely posting and editing a video to ause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

Naglabas na rin ng official statement si Crissa hinggil sa kontrobersiya kung saan sinabi niyang hindi niya nilandi si Philmar.

“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang isyu sa social media. Alam ko mga kaibigan na mali ko, ako rin ang naglaglag sa aking sarili,” ang sabi ni Crissa sa salitang Bisaya.

Inamin naman niya na kasalanan din niya kung bakit sila naiisyu ngayon ng fiancé ni Andi pero inulit-ulit niyang walang landian na nangyari.

“Walang flirting na nangyari dahil nasa public place kami. At hindi ko rin ma-please si Philmar the way siya tumingin at mag-act sa akin.

“Ang mali ko lang talaga mga kaibigan, hindi ako dumistansya. Pero ‘yang sinasabi n’yo na lumalandi ako, hindi ako lumandi dahil alam kong pamilyadong tao siya.

“Ang sa akin lang mga kaibigan, masyado akong na-overwhelm dahil hindi ko inakala na kilala din pala niya ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At ‘yung conversation namin ni Philmar, wala kaming ibang topic nu’n, about lang sa isa niyang kasama na surfer,” paliwanag ni Crissa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending