Philmar Alipayo sumailalim sa transesophageal echocardiogram
LABIS ang pasasalamat ng dating aktres na si Andi Eigenmann dahil naging maayos ang resulta ng transesophageal echocardiogram ng partner na si Philmar Alipayo.
Matatandaang noong Lunes, April 22, ibinahagi ni Andi sa lanyang Instagram stories ang lagay ng kalusugan ng kanyang partner.
“Well wishes for Papa [Philmar] as he goes under a transesophageal echocardiogram procedure today (to relieve a bit of difficulty he has been experiencing from a congenital heart defect),” pagbabahagi ni Andi.
Dagdag pa niya, “Hopefully he will be back to his [100 percent] soon after.”
Baka Bet Mo: Andi Eigenmann, Philmar Alipayo hindi muna itutuloy ang kasal dahil sa pagpanaw ni Jaclyn
View this post on Instagram
Samantala, humingi naman si Philmar ng dasal para sa kanyang magiging medical procedure.
Matapos ang ilang oras ay nagbigay ng update si Andi sa naging resulta ng naging medical test ng partner at sinabing maayos na itong muli.
Nag-post rin si Philmar ng bagong IG story kung saan nagpasalamat siya sa pagsuporta sa kanya ni Andi.
Aniya, “Salamat karajaw mahal ko na ini kaw permi nag soporta sa tapad nako. I love you so much. @andieigengirl.”
Kamakailan ay lumipad papuntang Maynila sina Andi at Philmar para tanggapin ang karangalan ng yumaong ina na si Jaclyn Jose sa Film Development Council of the Philippines (FDCP)’s Parangal ng Sining 2024.
Dito ay ibinahagi ni Andi na pinili muna nilang i-postpone ang kanilang kasal na nakatakda ngayong taon matapos ang pagkamatay ng ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.