Andi may nakitang sorpresa nang pumasok sa kuwarto ni Jaclyn

Andi may natagpuang sorpresa nang pumasok sa kuwarto ni Jaclyn Jose

Ervin Santiago |April 15,2024
facebook
share this

Andi may natagpuang sorpresa nang pumasok sa kuwarto ni Jaclyn Jose

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 12:15 AM

Andi may natagpuang sorpresa nang pumasok sa kuwarto ni Jaclyn Jose

Jaclyn Jose, Mark Gil at young Andi Eigenmann

KAHIT sumakabilang-buhay na, nagagawa pa ring “sorpresahin” ni Jaclyn Jose ang anak niyang si Andi Eigenmann.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang mamatay ang Cannes Film Festival Best Actress sa loob ng kanyang bahay dahil sa tinatawag na Myocardial infraction o heart attack.

March 2 nang bawian ng buhay ang award-winning veteran actress pero kinabukasan pa ng March 3 natagpuan ang kanyang bangkay. Siya ay 60 years old.

Baka Bet Mo: Kiray nagsalita na sa ginawa sa kanya ni Mystica sa lock-in taping: ‘Hala, ano’ng nangyari sa iyo, ate? Sorry po, bakit po!?’

Nitong nagdaang araw, ibinahagi ni Andi ang isang nakakaantig na sorpresa nang bisitahin daw niya ang kuwarto ng kanyang namayapang nanay.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ipinost ni Andi ang cover ng Savvy magazine na lumabas noong October, 1997. Makikita rito ang photo nilang mag-ina ilang taon na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Sabi ni Andi sa caption, “I am greeted by this as I enter nanay’s room. Hi Nanay.”

Kasunod nito, nag-share rin ang hindi na gaanong aktibong aktres sa IG ng throwback photo ng kanyang inang si Jaclyn kasama ang yumao na rin niyang ama na si Mark Gil.

Pumanaw si Mark noong 2014 matapos makipaglaban sa kanyang liver cancer ng dalawang taon. Siya ay 52 years old.

Nauna rito, ibinalita ni Andi na isa si Jaclyn sa biggest fan ng YouTube channel nilang “Happy Islanders”. Napatunayan daw niya ito sa natuklasan niya sa cellphone ng ina.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

“You know, she (Jaclyn) has always been the biggest Happy Islanders’ fan and the whole purpose of me creating that vlog was also being away from my family, having Happy Islanders was the best way for me to keep updated with my life here,” ang sabi ni Andi sa kanyang vlog habang umiiyak.

“She’s (Jaclyn) been my biggest fan with everything that I do and she loved watching Happy Islanders and our videos all the time.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“In fact, when I was able to check her phone, we saw in her YouTube –the last video she watched was the last video of Happy Islanders,” kwento ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anyway, I just wanted you to know that although things have not been easy, I’d like to focus on spending time with my family and focusing on the good things, on what’s there, and just making the most out of our time together because losing my nanay in such an expected time is proof that you don’t know what tomorrow brings,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending