Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya

Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi?

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 12:05 AM

Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi?

Crissa Liaging at Philmar Alipayo

NILAGYAN ng malisya ng ilang netizens ang video ng isang content creator kung saan kausap niya ang asawa ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang viral video ng TikTok content creator na si Crissa Liaging dahil sa pag-uusap nila ni Philmar nang magkita sila kamakailan sa isla ng Siargao.

Baka Bet Mo: Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Mapapanood sa naturang video si Crissa na malapitang nakikipagchikahan sa asawa ni Andi. Sa isang bahagi ng TikTok video ay makikitang topless si Philmar at itinaas pa ang dalawang kamay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Tila may itinatanong si Crissa sa champion surfer base sa takbo ng kanilang pag-uusap. Ang nakalagay na caption sa video ay, “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Pero tinanggal din ni Crissa ang video sa kanyang TikTok account matapos itong makakuha ng milyun-milyong views. Ilang sandali pa ang lumipas ay ni-reupload niya uli ito na may kaparehong caption.

Maririnig naman sa background music ang kantang “Weak” ng American R&B vocal trio na SWV.

Mababasa rin dito ang tanong ng isang netizen na, “abakit dinelete yung video with Philmar?”

Komento ng isang netizen, “Bat ako yung nasasaktan para kay Andi, kahit sabihin pa naten na tropa or kung ano pa eh may asawa yung tao. Kunyare na lang ikaw yung nasa side ni Andi.”

Baka Bet Mo: Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila, first time na hindi kasama ang mga anak

Nakiusap naman kay Philmar ang isa pang nag-comment, “Pls don’t break Andi’s heart, as a married woman selos tlga ko kung Asawa ko Yan baka naisako ko na.”

Sabi naman ng isa “Don’t you dare seduce him!!!!!! He is living peacefully with his family.”

Narito naman ang laman ng isa pang post ni Crissa, “Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! (Translation: Huwag niyong lagyan ng isyu ang pag-uusap namin ni philmar wala ako sa kalingkingan ng ganda ni andi).”

Sa isa naman niyang Facebook post, makikita ang pag-share ng isang page tungkol sa viral video nila ni Philmar. Aniya sa caption, “DILI NA LNG KO MAKIG STORYA ANI! (Translation: Hindi na lang ako makikipag-usap!).”


Matatandaang sinagot na ni Andi ang mga tsismis na may matindi raw silang problema ni Philmar sa kanilang relasyon na nauwi nga umano sa hiwalayan.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Andi ng selfie nila ni Philmar na may caption na, “Kami pa naman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Andi at Philmar hinggil sa isyung ito pati na rin sa viral video ni Crissa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending