Elementong maitim, mabuhok galit na galit kay Shaira Diaz

Elementong mabuhok galit na galit kay Shaira: Araw-araw umiiyak ako!

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 08:00 AM

Elemento na mabuhok galit na galit kay Shaira: Araw-araw umiiyak ako!

EA Guzman at Shaira Diaz

UMAATIKABONG tilian at katatakutan ang napanood sa nakaraang “Haunted School” episode ng “Running Man Philippines Season 2” na kinunan sa Hongcheon, South Korea.

Bago simulan ang pagsabak sa naturang misyon ng mga Pinoy Runners ay nagkuwento muna sila ng kanilang  personal scary stories na pinangunahan ng TV host-actress na si Shaira Diaz.

Nangyari raw ang kahindik-hindik na horror story ni Shaira sa lock-in taping nila sa isang lugar sa Quezon para sa “Lolong” na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

May isang elemento o nilalang raw ang nagalit sa kanya, “Yung first scene namin sa Lolong ‘yung location kasi namin sa gubat talaga. Hindi siya ‘yung pinupuntahan du’n sa (Tiaong) Quezon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“Tapos du’n kami sa gubat talaga, pero bago pa mangyari yun, bawat tulog ko, binabangungot ako sa loob ng tent. Tapos parang ‘yung bandang gabi na ‘yung taping bed ko basang-basa ng tubig talaga. As in yung tipong igaganu’n mo siya (nagmuwestra),” simulang kuwento ni Shaira.

Nagtatakang tanong ni Buboy Villar (isa sa Pinoy runners) sa fiancèe ni EA Guzman, “Wala bang tulo sa taas?”

“Yan din ang sinabi nila pero chineck ko talaga lahat sinabi baka may mga nakatapon lang daw, kasi, ‘yung pag-angat ko ng bag ko tsaka siya nabasa,” sagot ni Shaira.

Patuloy ng aktres, “Yung next na nangyari, nag-ML (Mobile Legends) ako, habang nag-ML ako kasi natatakot na ako e, sabi kasi ni direk, ‘Nak patingin nga ‘yung daliri mo ‘yung hinliliit.’ ‘Di ba sa atin kapag hindi pantay ‘yung hinliliit may naglalaro talaga.

“So pag-check ni direk Rommel (Penesa) hindi pantay. Super haba nu’ng isa kong daliri.

“Tapos sabi ko ngayon, sabi ko nagparinig ako, wala lang sabi ko: Ito talaga kapag nabasa, may nabasa pa uli ako ganiyan. ‘Pag nabasa uli ako maniniwala na ako sa ‘yo,” ang nakakakilabot pang pagababahagi ng aktres.

“So siyempre paghihiga ka sa kama mo ‘di ba makikita mo naman kung may dumi or may basa. So, habang nag-ML ako humiga ako.

“’Pagbangon ko may tumutulo dito sa may siko ko, pagtingin ko basa siya,” aniya pa.

Baka Bet Mo: EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Kasunod nito, palagi na rin daw siyang binabangungot hanggang sa kumonsulta na siya sa isang albularyo, “So ngayon si Ate Rocs, si Rochelle (Pangilinan, kasama niya noon sa Lolong), may tito siya na healer.

“So, tinawas niya ako rin. Tinawas niya ako tapos du’n sa tawas nakita na may elemento na black, na mabuhok. Na galit na galit sa akin, kasi nabulabog ko raw siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“Sa bangungot ko sinisigawan ako ng elemento. ‘Yung mukha talaga nu’ng entity talaga, oo, galit na galit siya!” sabi pa niya.

“’Yung hindi ko na talaga kaya, kasi umabot na ng 10 days umiiyak na ako. Pagkagising ko araw-araw, talagang umiiyak ako.

‘Sabi ko, hindi ako makatulog talaga kasi ginaganu’n (parang lumalagabog) bawat tulog ko,” dugtong pa ni Shaira.

Sumunod daw dito ay ang pagkabasa ng kanyang luggage, “Sa gitna niyang bintana, sa baba nu’n nandoon ‘yung maleta ko. Pagtingin ko basang-basa ‘yung maleta ko, tapos sinundan ko ‘yung basa gumagapang ‘yung basa.

“Tapos, pagtingin ko du’n sa blinds may figure. May figure na bilog, bilog siya na may tenga. May ganito shoulder, tapos may katawan talaga,” pag-alala pa ni Shaira.

“Natulog si Arra (San Agustin, co-star sa Lolong) du’n sa dati kong room pati siya nagising ng 3 a.m. Nagising siya kasi ‘yung TV (static sound) ‘yung parang sa ‘The Ring’ ganu’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagkaroon ako stiff neck, nilabas pa ako emergency, hindi talaga nila mabalik. Kung anu-ano nangyayari sa akin,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending