Shaira Diaz napilitan lang mag-YES sa proposal ni EA Guzman?

Shaira Diaz napilitan nga lang bang mag-YES sa proposal ni EA Guzman?

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 08:04 AM

Shaira Diaz napilitan lang mag-YES sa engagement proposal ni EA Guzman?

EA Guzman at Shaira Diaz

“MEDYO hindi talaga ako sure kung magye-yes siya sa akin,” ang pag-amin ni Edgar Allan Guzman tungkol sa pagpo-propose niya kay Shaira Diaz.

Knows n’yo ba na pwedeng-pwede raw tanggihan ng Kapuso actress-TV host si EA dahil talagang hindi pa raw ready ang dalaga na i-level up ang kanilang relasyon.

Ayon sa award-winning actor, nilakasan na lamang niya ang kanyang loob na yayaing magpakasal ang long-time girlfriend kahit alam niyang may posibilidad itong sumagot ng “No”.

Baka Bet Mo: EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: ‘Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae’

“Medyo hindi talaga ako sure kung magye-yes siya sa akin. Kasi noong time na ‘yun, hindi pa talaga siya totally ready,” sabi ni EA sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

“So, there’s a possibility that she could’ve said ‘not yet?’” ang sundot na tanong sa kanya ni Tito Boy.

Tugon ni EA, “Yes, but naniniwala ako sa pag-ibig niya sa akin. Naniniwala ako sa pagmamahal niya. Na hindi siya magno-no sa akin. Hindi niya gagawin sa akin ‘yon kasi mahal niya ako, e.”

Kinumpirma naman ni Shaira na nagtanung-tanong ang binata sa mga kaibigan niya kaya alam ni EA na talagang hindi pa siya handang pumasok sa next level ng kanilang relasyon dahil marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero sinekyur ni Edgar, in-assure niya na willing to wait siya kahit gaano pa ‘yan katagal.

“Hindi niya ako pipilitin. Hindi niya ako mamadaliin. Willing to wait siya,” paniniyak pa ng “Unang Hirit” host.

Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

Nauna rito, inamin din ni Edgar Allan na hirap na hirap siya sa pagtitiis at pagkokontrol sa sarili na hindi makipag-sex kay Shaira hangga’t hindi pa sila kasal.

Ayon kay EA, hindi biro ang naging desisyon nila ng kanyang girlfriend na magtatalik lamang sila pagkatapos ng kanilang wedding at kapag tinanggap na nila ang basbas mula sa simbahan.

“First two years namin umiiyak ako sa kanya, kasi ang hirap. To be honest ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya. Kasi siyempre ‘di ‘ba?” ang pag-amin ni EA.

“Sabi ko talaga sa kanya, ‘Baba (tawag niya kay Shaira), hindi ko na kaya!'” dugtong pang pahayag ng aktor.

“Pero noong may sinabi siya sa akin na ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.’ Doon ako tinamaan. Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag ka nakakaramdam ako ng ganito,” ang pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Sabi ko nga noong nag-announce kami sa engagement namin, I respect Shaira a lot, kung alam lang nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending