Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don't put him in a box

Elisse ipinagtanggol si McCoy: He’s a person…don’t put him in a box

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 03:40 PM

Elisse ipinagtanggol si McCoy: He's a person...don't put him in a box

Elisse Joson, McCoy de Leon at Felize McKenzie

BUMUWELTA ang Kapamilya actress na si Elisse Joson sa mga taong walang ginawa kundi ang maliitin at okrayin ang partner niyang si McCoy de Leon.

Tila napuno na rin si Elisse sa patuloy na pangnenega at panghuhusga ng mga tao kay McCoy kaya naman nag-post na siya sa social media kung saan pinagsabihan na niya ang bashers at haters ng ama ng kanyang anak na si Felize.

Baka Bet Mo: Kim Chiu napaiyak habang kausap ang ‘Mini Ms. U’ contestant na nakatira ang pamilya sementeryo…anyare!?

Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Elisse sa tula ang kanyang mensahe para kay McCoy at sa lahat ng mga hindi nakakaalam sa tunay na nangyayari sa kanilang personal na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Ayon sa celebrity mom, si McCoy daw ang lalaking nagpatunay sa kanya na totoo ang true love at saludo siya rito hindi lang bilang partner in life kundi pati na rin sa pagiging mapagmahal at responsableng ama.

“Not everyone will understand.. how good of a person u are…

“How soft of a man u are…

“How u manage to become a father in ur 20’s..

“How freedom was taken from u in ur prime…

“How ur still finding yourself…

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach ‘binalaan’ ng TikTok followers ni Joshua Garcia: ‘Walang Miss U-Miss U dito!’

“How hard ur trying to be the best partner for me…

“How hard ur working to provide for us…

“How ur learning to become a family man…

“How u still do ur best do be a brother and a son all at the same time.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Pagpapatuloy pa niya, “Hindi nakikita ng lahat.. na sinasabayan mo ko sa lahat ng trip ko,” she mentions.

“Na pinag-iisa mo ang ating dalawang mundo… na inaaral mo ako… na nagaadjust ka at nagbabago araw araw…

“Na tinuturuan mo ko lagi maging ‘mas’ maging better… na mawalan ka na sa pangsarili, maibigay mo lang sa iba… na malalim ang pinanggagalingan mo…

“Na tayo ay dalawang tao na patuloy pa ding lumalaki, lumalago, natututo, lalo sa pagiging magulang…

“Na ako ay pinoprotektahan mo hanggang huli… na tayo ay nagkakamali… na ikaw ay nagkamali… na AKO ay nagkamali.

“At hindi lahat parepareho ng pamamaraan ng pag hilom ng mga sugat.

“Sometimes we don’t even know how to take away the pain. I’m sorry I put u through this.”

“Heal,” ang mensahe pa ni Elisse.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, nakiusap si Elisse na tigilan na ang pagtawag ng kung anu-anong masasakit na salita kay McCoy.

“Don’t put him in a category. Don’t put him in a box.

“He’s a person. Not any label or description u put him into. A person worthy of being known for himself as a whole.

“Not his past, not his mistakes, not whatever u see him as. ‘Mccoy’ just ‘mccoy’, A human being just like u.

“But for me and felize, he is our strength. He is our family. He is what felize has.

“Mccoy ko, These pictures are not enough.

“But I hope these moments remind u that for the people that matter.. we see u, we hear u, we appreciate u,” pahayag pa ni Elisse kalakip ang collage ng mga litrato nila ng aktor.

Pinusuan ng sandamakmak na netizens ang IG post ni Elisse, kabilang na riyan ang kanyang mga kapwa celebrities na bumilib sa tapang ng aktres na ipagtanggol si McCoy.

Noong January, 2023, naghiwalay ang celebrity couple matapos kumalat ang chika na may ibang babae raw si McCoy pero mariin niya itong pinabulaanan.

“Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.

“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat ng problema kaya po ako sumuko.”

“Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit,” he affirmed.

“Sana maintindihan niyo po ako. Ginagawa ko lang po to dahil mapakita ko lang sa anak ko na naipagtanggol kahit pa paano sarili ko.

“Uulitin ko po humihingi rin po ako ng pasensya sa inyo lahat,” ani McCoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong 2001, isinilang ang anak nilang si Felize McKenzie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending