Elisse Joson buntis nga ba sa 2nd baby nila ni McCoy de Leon? | Bandera

Elisse Joson buntis nga ba sa 2nd baby nila ni McCoy de Leon?

Ervin Santiago |July 11,2023
facebook
share this

Elisse Joson buntis nga ba sa 2nd baby nila ni McCoy de Leon?

Ervin Santiago - July 11, 2023 - 09:42 AM

Elisse Joson buntis nga ba sa 2nd baby nila ni McCoy de Leon?

Elisse Joson at McCoy de Leon

TRUE nga ba ang nasagap naming chika na buntis na uli ang Kapamilya actress na si Elisse Joson sa second baby nila ni McCoy de Leon?

Yan ang usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng kashowbizan kaya naman maraming entertainment reporters ang gustong ma-interview ang aktor para makumpirma kung magkakaroon na ng kapatid ang panganay ng celebrity couple na si Felize.

Ayon sa chika, nagdadalang-tao uli ngayon si Elisse ngunit hindi pa nila ito ibinabandera sa madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Sa panayam ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula kay McCoy (sa kanilang radio show sa DZRH) last Thursday, July 6, natanong nga ang tungkol sa pagbubuntis daw ng kanyang partner.

Hindi naman diretsong sinagot ng aktor ang tanong pero kung babasahing mabuti, mukhang walang katotohanan ang naturang balita.

Pahayag ni McCoy, “Kasi ano…kasama sa trabaho yan. Basta wala naman. Thankful kami na may work kami. Parehas kami na may trabaho. Wala naman. Same-same naman. Wala namang nabago.”

Sunod na tanong kay McCoy ay kung okay pa rin ba ang relasyon nila ng aktres at kung magkatuwang pa rin sila sa pag-aalaga kay Feliz.

Baka Bet Mo: Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

“Same naman. Wala naman. Ganu’n pa din. Oo naman. Basta yun!” ang iwas na iwas na sagot ng aktor na parang takot na takot magsalita dahil baka nga may masabi siya na hindi pa dapat malaman ng publiko.

Samantala, busy ngayon si McCoy sa pagpo-promote ng bago niyang digital series na “Deadly Love” na streaming na Viva One.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Bukod dito, napapanood pa rin siya sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Reaksyon naman ni McCoy sa mga nagko-congratulate sa kanyang bonggang performance sa serye, “Hindi biro yung ginagawa namin lahat dun. Paspasan talaga dun ang ginagawa namin sa Batang Quiapo. Kilala nyo naman si Direk Coco kung paano magtrabaho.

“Kaya nakakatuwa na naibabalik namin na natutuwa sila. Maraming salamat sa mga nagku-comment. Sa totoo lang, ayokong ilagay sa ulo ko lahat.

“Pero sobrang nao-overwhelm po talaga ako. Kaya thank you. Huwag po sana ako patayin sa Batang Quiapo. Thankful talaga ako kay Direk Coco,” sabi pa ni McCoy sa naturang panayam.

McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

McCoy kinumpirmang ‘happy’ na uli sila ni Elisse matapos maghiwalay: ‘Masaya kami kung ano yung estado namin sa buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending