Bong 'di itutuloy ang shooting ng Alyas Pogi; shoutout kay PBBM

Bong ‘di itutuloy ang shooting ng Alyas Pogi 4; may shoutout kay PBBM

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 01:00 AM

Bong 'di itutuloy ang shooting ng Alyas Pogi 4; may shoutout kay PBBM

Bong Revilla, Lani Mercado, Jolo at Bryan Revilla

HINDI pumayag si Sen. Bong Revilla na ituloy ang shooting para sa comeback movie niyang “Birador: Alyas Pogi 4” na nagsimula na ngayong taon.

Marami na ang excited sa pagbabalik-pelikula ng actor-public servant pero napurnada nga ito matapos siyang operahan sa Achilles tendon sanhi ng nangyari sa kanya sa set ng “Birador” ilang linggo na ngayon ang nakararaan.

Ang una kasing plano, gagawan na lang ng paraan ang mga action scenes ni Sen. Bong pero mas gusto raw nitong siya mismo ang gagawa ng mga stunts.

Baka Bet Mo: Bong enjoy sa pagiging game show host; personal na ibinigay ang brand new car sa ‘Amazing Pamasko ni Pogi’ winner

“Medyo nai-shelve muna yung Alyas Pogi, yung kanyang pagbabalik sa pelikula. Kasi ayaw niyang half-hearted yung paggawa ng pelikula.

“Kailangan maka-recover muna siya. He wants to do yung mga stunts, yung mga action scenes na siya yung gumagawa. So, gusto niyang maka-recover muna,” ang pahayag ng asawa ni Sen. Bong na si Congresswoman Lani Mercado sa isang panayam.

Improving naman daw ang kundisyon ng senador pero ayon kay Lani medyo matatagalan pa ang recovery process nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Samantala, sa kabila ng kanyang kundisyon ay nakapunta pa sa Malacañang last Monday ang aktor kung saan pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang “Kabalikat Sa Pagtuturo Act” na siya ang principal author.

“Nagpapasalamat po tayo sa mahal na Pangulo at nalagdaan na rin itong ating Kabalikat sa Pagtuturo Act na ang makikinabang ay ang ating mga guro. Ito yung tinatawag na Chalk Allowance nila na dati ay tumatanggap sila ng P5,000 a year pero ngayon P10,000.

Baka Bet Mo: Bong Revilla 50 years na sa showbiz, inalala ang kabilin-bilinan ng ama: huwag na huwag mali-late sa shooting, maging professional

“Napakalaking tulong para sa ating mga guro. Kaya again, Thank you Mr. President Marcos Jr. at siyempre sa mga kasama natin sa Senado at Kongreso,” mensahe ni Sen. Bong.

Sabi naman ni Congw. Lani, “Isa po ako sa principal authors sa Kongreso kasama si Congressman Bryan Revilla ng Agimat party-list at Cong. Jolo Revilla of 1st District of Cavite. Nandiyan rin ang Teachers partylist na kasama rin natin. So it’s really a partnership. Sama-sama po ito para sa ating mga guro.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya sa mga guro, heto po yung pinangako namin. Heto na po at na-deliver na. Ito po si Sen. Bong Revilla na nagtatrabaho para sa inyo. Mabuhay po kayo,” sabi pa ni Sen. Bong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending