Aktor na ex-BF ng aktres bumaho ang katawan dahil sa bisyo

Male star na ex-BF ng aktres bumaho ang amoy ng katawan dahil sa bisyo

Reggee Bonoan - June 05, 2024 - 08:18 AM

Male star na ex-BF ng aktres bumaho ang amoy ng katawan dahil sa bisyo

Guess, guess, who!?

TRULILI kaya na super nanghihinayang ngayon ang aktor na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend lalo’t may mga masugid itong manliligaw.

Manliligaw ang binanggit namin dahil hindi pa naman umaamin ang ex-girlfriend ng aktor kung dyowa na niya ang non-showbiz guy na super-hot sa mundong ginagalawan nito.

Tsika ng aming source, “Sising-sisi si ____ (aktor) kasi sobrang in-love siya kay ____ (aktres) dahil sobra siyang inalagaan nito at spoiler din kasi. Kaya lang foul kasi ‘yung ginawa niya kay ____ (aktres) dahil niloko niya.”

Kapag sinabing niloko ay iisipin kaagad ay nangaliwa ang partner pero walang ganu’n nangyari sa ex-celebrity couple.

Baka Bet Mo: Angeline nakiusap sa mga kaibigan na bumili ng ticket sa kanyang concert; tatay ng magiging anak may work, pero…

“Masyadong nagtiwala si ____ (aktres) kay (aktor) pero may ginawa na hindi nito nagustuhan at talagang halos isumpa niya ito,” say ng aming source.

Binanggit sa amin at hindi na lang naming isusulat pero nakagigil nga ang ginawa ni aktor na hindi rin naming maisip na sa mabait nitong imaheng nakikita sa camera ay may iba rin palang ugali.

Kaya ito ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang aktres kahit sobrang mahal niya ang aktor at nahirapan din naman daw siyang mag-move on pero sa tulong ng mga mapagkakatiwalaang kaibigan ay okay na ito ngayon.

Hanggang sa nakilala ni aktres ang non-showbiz guy na hot sa mundong ginagalawan nito at isa pa na may konek din sa showbiz.

Pero tila mas masigasig ang non-showbiz guy kaya si aktres ay nagugulat sa mga paandar ni guy samantalang ‘yung isa na may konek sa showbiz ay sakto lang ang galawan.

Ayon pa sa kausap namin ay nag-date na raw sina aktres at ang non-showbiz guy nang walang chaperon at enjoy daw ang una base sa kuwento niya sa aming source.

“Sabi sa akin, ‘sobrang gentleman at ang bango!'”

Natawa kami dahil parang normal naman na yata ngayon sa mga manliligaw na gentleman at mabango sila at magkakaalamanan na lang kapag nagtagal na sila.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Ate Guy inapi-api noon: ‘Nangungutang ako ng bigas, walang magpautang sa akin kaya wala kaming makain’

Anyway, ang ex-dyowa raw kasi ng aktres ay hindi naman mabaho at hindi rin gaanong mabango, kungbaga natural ang amoy nito, pero nag-iba raw nang magkaroon ito ng bisyo.

“Oo, nag-iiba singaw ng katawan kapag natuto kang magbisyo na dati ay hindi naman,” say ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay laging nagkukulong ang aktor sa kanyang kuwarto at kahit na niyayaya siyang lumabas ng mga kaibigan ay ayaw nitong sumama dahil hindi pa pala siya nakaka-move on.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending