Claudine pabor maging legal ang divorce sa Pinas

Claudine pabor maging legal ang divorce sa Pinas: ‘The end of an error’

Pauline del Rosario - June 03, 2024 - 03:13 PM

Claudine pabor maging legal ang divorce sa Pinas: ‘The end of an error’

PHOTO: Instagram/@claubarretto

KONTING kembot nalang, magiging batas na sa ating bansa ang House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill.

Magugunita noong May 22 nang pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ang nasabing panukala matapos bumoto ng “sang-ayon” ang 126 mambabatas, habang 109 ang “nag-hindi” at at 20 naman ang nag-abstain.

Dahil diyan, naging mainit ang usapin tungkol diyan at kabilang sa mga nagpahayag ng opinyon ay ilang celebrities.

At ang latest diyan ay ang batikang aktres na si Claudine Barretto na ibinandera ang pagpabor niya sa diborsyo.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang ilang art card na ipinapakita ang kahulugan ng divorce na ang mga nakalagay ay: “Divorce: Having the courage to choose how you’re going to spend the rest of your life” at “Divorce. The end of an error.”

Baka Bet Mo: Anne nag-react sa boto ng senado sa Divorce Bill: Puro lalake nag-‘No’

Sa caption naman ay tila ikinumpara niya ang divorce sa annulment na inilarawan niyang matagal at mahal.

“Annulment is a very long, painful & very Expensive [heartbroken emoji],” saad sa post.

Aniya pa, “Divorce gives you a second chance to right your wrongs. JUST MY OPINION.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)

Tila based on experience ang naging hinaing ni Claudine, lalo na’t on going pa rin ang kanyang petition for annulment upang tuluyang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Raymart Santiago.

Mahigit isang dekada nang dinidinig sa korte ang nasabing petisyon ng aktres.

Sa isang press conference last month, sinabi ni Claudine na nagdesisyon siya na hindi muna papasok sa isang relasyon hangga’t hindi pa annulled ang kasal nila ni Raymart. 

“Sarado ang puso ko ngayon hanggang ma-annulled,” sey niya.

Kung matatandaan, taong 2006 nang ikinasal sina Claudine at Raymart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong 2015 naman ng maghiwalay sila.

Mayroon silang anak na si Santino at may adopted children na sina Claudine, Sabina, Quiah at Noah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending