Anne nag-react sa boto ng senado sa Divorce Bill

Anne nag-react sa boto ng senado sa Divorce Bill: Puro lalake nag-‘No’

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 06:02 PM

Anne nag-react sa boto ng senado sa Divorce Bill: Puro lalake nag-'No'

NAGLABAS ng saloobin ang TV host-actress na si Anne Curtis tungkol sa kontrobersyal na isyu ngayon hinggil sa usaping divorce.

Hindi napigilan ni Anne ang mag-react sa sa inilabas na inisyal na resulta ng survey ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol sa pananaw ng mga senador sa divorce bill.

Sa inisyal na survey ni Sen. Jinggoy na kanyang isinapubliko, makikita sa naging resulta na sumang-ayon sa divorce bill sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Robin Padilla, Sen. Grace Poe, Sen. Imee Marcos at Sen. Pia Cayetano.

Kumontra naman sa nasabing panukalang-batas sina Senate President Chiz Escudero, Sen. Francis Tolentino, Sen. Joel Villanueva, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at maging si Sen. Jinggoy Estrada.

Baka Bet Mo: Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa…

Nagsabi na rin ng “no” sa panukalang diborsiyo sina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Sen. Cynthia Villar.

“Siyempre nagulat ako sa kanila. Pero ako po, alam naman ng lahat I have a very happy family life, so I’m not in favor of divorce,” sabi ni Sen. Chyntia, asawa ni dating Sen. Manny Villar.

Sabi naman ni Sen. Miguel Zubiri, “Konserbatibo akong mambabatas. Kung ika nga sa Amerika Republican ako, so pro-family. I frown on any bills that will separate our families.

“Ayaw po nating maging katulad ng mga Las Vegas weddings na bigla na lang mag-asawa tayo ngayon tapos kung ayaw natin hiwalay tayo sa susunod na buwan.

“Hindi dapat tama yun. I think we should study it to make sure na hindi po tayo magiging katulad ng ibang bansa na very dysfunctional ang family,” anang senador.

Ni-repost ni Anne sa kanyang X account ang artcard na inilabas ng Inquirer.Net sa social media at nilagyan ng caption na,

“Puro lalake ung nag No.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong May 22, 2024, nang pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ang House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Bill matapos bumoto ng “sang-ayon” ang 126 mambabatas, habang 109 ang “nag-hindi” at at 20 naman ang nag-abstain.

Pending naman sa ikalawang pagdinig  ang Senate version ng Divorce bill.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending