Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa... | Bandera

Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa…

Reggee Bonoan |November 12,2022
facebook
share this

Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa…

Reggee Bonoan - November 12, 2022 - 10:06 PM

Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa...
HINDI pa pala nagsi-sink in kay Carla Abellana na ‘divorced’ na sila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez na kasalukuyang nasa Amerika ngayon.

Nakapanayam ni 24 Oras showbiz reporter Nelson Canlas ang aktres at inamin nga nito na hindi pa niya ito natatanggap.

“Number one kasi divorced doesn’t exist in the Philippines dahil ang foreign nu’ng (salita) divorce kasi wala sa atin hindi pina-praktis dito, parang hindi pa fully nagsi-sink in.

“Siguro mas doon pa magsi-sink in sa akin pag dito na na-proseso o dito na asikaso at na-recognized ng Philippine court,” katwiran ni Carla.

Hindi pa rin daw nakikipag-usap o nag-reach out ang aktor sa dating asawa.

“No! The last time na nakita ko siya (Tom) was in February but since then, no,” sagot ng aktres.

Buwan ng Marso 2022 nang lumipad na patungong Amerika si Tom dahil kahit anong pakikipag-ayos niya sa ex-wife niya ay hindi na ito pumayag at ilang araw ang nakalipas ay ibinalita ng aktor na aprubado na ang divorced nila ng aktres.

Diretsong tanong ni Nelson kung may pagmamahal pa si Carla kay Tom.

Natawa ang aktres, “Oh my gosh! Wow hot seat ito! Honestly, hindi ko masasagot kung yes or no. Like I said ‘yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa.”

Sasagutin ba ng GMA star kapag tumawag si Tom.

“Wooh! Hindi…hindi muna. At this point parang hindi ko kakayanin if ever he calls hindi ko kakayaning kausapin siya,” pag-amin ni Carla.

Dahil sa support system mula sa pamilya at mga malalapit na kaibigan ay nalampasan niya ang lahat kasabay na rin ng ginawa niyang self care kaya okay na siya ngayon.

“I agree na siyempre ‘yung Carla today hindi naman same ng Carla a few months back o last year. Of course magkaiba ‘yun, magkaibang time, magkaibang senaryo, magkaibang situation state of self ganu’n even the mind,” pahayag nito.

Sa tanong ni Nelson, “are you still in pain?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

“Oo, definitely! I won’t even hesitate to answer and say definitely but pain kasi doesn’t disappear overnight. Gustuhin mo mang mawala na ‘yung pain in a way something you cannot control.

“Ako, I recognized enough na nandiyan pa (pain) definitely nandiyan pa hindi ko naman puwedeng sabihing wala kasi hindi naman totoo ‘yun at matagal pa ‘yung proseso,” paliwanag ni Carla.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Tom Rodriguez.

Related Chika:
Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Lolit nabigla sa akusasyon ni Carla kay Tom: Hope for the best na lang tayo para sa dalawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana?

Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending