Claudine, iba pang cast ng ‘Home Along’ nag-iyakan dahil kay Cita Astals
NAGING emosyonal ang cast members ng classic Kapamilya sitcom na “Home Along Da Riles” sa pangunguna ni Claudine Barretto nang mag-reunion sila recently.
Mas naging masaya at makabuluhan daw ang muli nilang pagkikita nang dumating at makapiling ng grupo ang dating aktres na si Cita Astals na isa rin sa mga karakter na nagmarka sa “Home Along Da Riles”.
Sa isang video reel na ibinahagi ni Claudine sa kanyang social media accounts, mapapanood ang bonggang pagsasama-sama uli ng ”HADR” family.
Isa nga sa mga makabagbag-damdaming eksena sa kanilang reunion ay ang pagdating ni Cita Astals na talaga namang winelkam nang napakainit ng kanyang mga co-stars sa sitcom na pinagbidahan noon ng Comedy King na si Dolphy.
View this post on Instagram
Makikita ang mahigpit na pagyakap ni Claudine kay Cita Astals pati na rin nina Smokey Manaloto, Maybeline Dela Cruz, Gio Alvarez at Nova Villa.
“Welcome back, Cita Astals! The family was lost for a while, but now it’s back,” ang caption na inilagay ni Claudine sa kanyang Instagram post.
Sabi naman ni Maybeline, “Lahat sila nagtatanong where’s Tita Cita. Finally noong nakita ko ‘yung reaction nu’ng mga kapatid ko sa ‘Home’ sila Tita Nova (Villa) nandoon pa rin ‘yung closeness, nandoon pa rin ‘yung warm ng bawat isa.”
Baka Bet Mo: Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure!
Pahayag ni Smokey, “Noong niyakap namin siya, parang kahit na walang salita na lumalabas, naiintindihan namin. Naiintindihan namin siya.”
“Ito na o, paunti-unti, pa kumpleto na kami,” sey naman ni Claudine.
“The family was lost for a while, but now it’s back,” ang mensahe naman ni Gio Alvarez.
View this post on Instagram
Gumanap si Cita Astals bilang Hillary Lagdameo sa “HomebAlong Da Riles”, ang mabait at maunawaing boss ni Kevin Cosme sa sitcom na ginampanan ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Umere ang “Home Along Da Riles” sa ABS-CBN mula early ’90s hanggang early 2000s. Pumanaw si Mang Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay noong July 10, 2012 sa edad na 83.
Ito’y matapos makipaglaban ang Hari ng Komedya sa chronic obstructive pulmonary disease sa loob ng limang taon.
Nawala sa showbiz si Cita Astals ilang taon na ngayon ang nakararaan dahil sa mga hamon at pagsubok na hinarap niya sa kanyang buhay.
Sa isang panayam ay pinabulaanan ni Cita na namumulubi na siya at nanlilimos na lamang sa lansangan. Aniya, kaya pa naman daw niyang mamuhay ng normal.
Pero aniya, totoong nagkaroon siya ng mental health problems at na-diagnose ng pagiging bipolar.
“It all started there (natalo sa eleksyon noong 2007) and it really hit me that hard. Since then parang ayokong makipag-usap sa ibang tao.
View this post on Instagram
“I kept all my emotions to myself. Kaya nga siguro tumindi ang depression ko kasi wala akong mahingahan ng sama ng loob at mga frustrations ko.
“The reason ako nagpagala-gala sa Manila was because ayokong nasa bahay lang ako. My house was being robbed every day at binabatu-bato pa ng mga bata roon.
“Kapag sinusumbong ko sa pulis, hindi sila naniniwala sa akin. Sinasabi nila na nababaliw lang daw ako. Kaya that added sa mga nararamdaman ko.
“I was always that person na very vocal and masayahin. Napakaprangka kong tao. I always spoke my mind. Pero noong na-depress ako, nag-iba bigla lahat. Parang bumaligtad ang buhay ko ng 360 degrees.
“But now, I am glad to say that I am getting better. I am taking medication para ma-balanse ang sistema ko. Malaking tulong ang mga gamot ko to really put me in the right place,” ang pahayag ni Cita sa isang panayam ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.