Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure! | Bandera

Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure!

Reggee Bonoan |July 27,2021
facebook
share this

Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure!

Reggee Bonoan - July 27, 2021 - 04:34 PM

ISA rin kami sa nag-isip na baka tuluyan nang iwan na ni Piolo Pascual ang ABS-CBN dahil nga tumanggap siya ng project sa TV5, ang “Sunday Noontime Live” (SNL) kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan at Jake Ejercito.

Pero pagkatapos ngang matsugi sa TV5 ang nasabing programa ay muling napanood sa ilang  Kapamilya shows sina Jake at Donny maliban kay Maja na nananatiling nasa Kapatid network.

May regular show pa kasi ang dalaga sa TV5, ang seryeng “Niña Niño” na humahataw ngayon sa ratings game kasunod ng “FPJ’s Ang Probinsyano” habang si Piolo naman ay wala pa ring kasunod na show.

Nabanggit naman din ng aktor noon na gusto niyang pagbigyan ang lambing ng tatay nilang si Mr. Johnny Manahan at ganito rin ang sabi ni Maja.

At dahil nga siguro wala pang show si Piolo sa Kapamilya station at hindi pa rin siya bumabalik sa “ASAP Natin ‘To” ay may agam-agam ang lahat na wala na nga siya sa nasabing network.

Pero nabuhayan naman ng loob ang kanyang mga tagasuporta nang mapanood siya sa pre-recorded special episode ng “ASAP Natin ‘To” para sa mga loyalistang artists na piniling manatili bilang Kapamilya.

Say ng aktor sa viewers ng programa, “I’ll see you soon. Kapamilya, thank you for continuing to let us into your homes through all the different available platforms.”

Para matapos na ang tsismis ay sinabi na ni Piolo na, “Just to put this to rest, I’m not going anywhere.”

Base sa panayam ng Cinema One ay binanggit niyang hindi naman niya iniwan kailanman ang Kapamilya network kahit na nagsara pa ito noong Hulyo, 2020.

“At the end of the day, I never left. I’m a Kapamilya through and through, I don’t have to reiterate that. I’ll be back home for sure, pagkatapos ng mga meetings for sure,” diin ng aktor.

Inamin na rin nitong nagkaroon sila ng pag-uusap ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak noong Hulyo 4.

“I spoke with my boss, si Sir Carlo, on the 4th of July, and we had a good talk. When the time I’m done with quarantine, may meeting kami,” sambit nito.

Hayan, klaro na, mananatili pa ring Kapamilya si Piolo Pascual.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, abala pa rin kasi ang aktor sa kaliwa’t kanang panayam sa kanila ni Alessandra de Rossi para sa pelikula nilang “My Amanda” na number one pa rin sa Netflix Philippines, Singapore, UAE, Qatar, top 10 sa Saudi Arabia at trending din sa Canada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending