Sikat na personalidad kinasuhan ng cyber libel ang vlogger

Sikat na personalidad napikon, kinasuhan ng cyber libel ang vlogger

Reggee Bonoan - May 31, 2024 - 08:46 AM

Sikat na personalidad napikon, kinasuhan ng cyber libel ang vlogger

NA-DISMISS pala ang kasong isinampa ng kilalang personalidad laban sa isang vlogger dahil napikon ito sa opinyon ng huli.

Matagal na itong nangyari kung saan mahigit dalawang taon na ang isyu pero kamakailan lang ito na-dismiss dahil wala raw basehan at maganda ang pagkaka-deliver ng vlogger ng kanyang opinion.

Napanood namin ang episode na ito kung saan pinaalalahanan pa nga ng vlogger ang kilalang personalidad, pero hindi ito nagustuhan ng huli kaya siya nagdemanda.

Baka Bet Mo: Sam Verzosa todo tanggol kay Willie Revillame: ‘Ang dami na niyang natulungan, wala na siyang kailangang patunayan pa’

Katwiran ng abogado ay hindi naman private citizen ang kilalang personalidad kaya pwede siyang talakayin sa isang pag-uusap at bigyan ng opinyon sa mga bagay na may kinalaman sa isyu na kasama siya.

Anyway, tapos na ang kaso at panalo ang vlogger na hindi rin nito ipinagkaka-ingay at nalaman lang namin ito dahil sa naka-tsikahan namin ang taong kasama ng kilalang personalidad nu’ng magsampa siya ng kaso.

Sabi pa ng aming kausap, “Cyber libel ang ikinaso ni (kilalang personalidad) pero dismiss.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending