Sam Verzosa todo tanggol kay Willie Revillame: ‘Ang dami na niyang natulungan, wala na siyang kailangang patunayan pa’
TODO tanggol ang matagumpay na negosyante at TV host na ngayong si Sam Verzosa sa itinuturing niyang mentor na si Willie Revillame.
Nasa gitna na naman kasi ng kontrobersya ang veteran TV host matapos resbakan ng mga personalidad na pinatutsadahan niya sa kanyang programang “Wowowin” kamakailan.
Kabilang na riyan sina Nanay Cristy Fermin at Papa O (Ogie Diaz) na umalma sa panunumbat umano ni Willie sa kanila dahil sa paninira at pamba-bash sa kanya gamit ang kanilang YouTube channel.
Nagsalita si Willie sa “Wowowin” matapos mabalitaan na tinitira raw siya ng mga taong naabutan niya ng tulong noon pero ang isinukli pa raw sa kanya ay ang pangnenega at pang-ookray sa social media.
Nag-ugat nga ito sa balitang matatanggal na ang kanyang programa at ang iba pang ipinalalabas na talk show sa ALLTV Channel 2 na nasa ilalim ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ni Manny Villar.
Sa presscon ng kauna-unahang programa sa telebisyon (CNN Philippines) ni Sam Verzosa, ang “Dear SV” na isang public service program, natanong ang binata tungkol dito.
Ano ang reaksyon niya sa sinasabing panunumbat ni Willie sa mga showbiz personalities na naabutan niya ng tulong noon?
View this post on Instagram
“Ang masasabi ko lang, si Kuya Wil ay napakabuting tao. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Nandito ako sa kinalalagyan ko dahil sa kanya.
“Wala kaming ibang ginawa kundi tumulong, magbigay ng financial assistance sa mga kababayan, house and lot, ayuda,” aniya pa.
Inalala rin niya ang palaging paalala sa kanya ni Willie noong tumakbo siya sa ilalim ng partylist na Tutok To Win, “Wala tayong ibang gagawin kundi kabutihan.
“Kung nakukuwento niya ang kabutihan na nagagawa niya, e, kung totoo naman. Parang kami. Kami nga, pinalalabas namin sa TV, e,” paliwanag pa ni Sam.
“Sabi ko nga, kung may ginawa kang kabutihan sana mas makita ng maraming tao para ma-inspire na gawin din ang ginagawa namin,” ani Sam na nakilala bilang “sidekick” ni Willie sa “Wowowin” noong kasagsagan ng pandemya.
Sabi pa ng kongresista (Tutok to Win partylist, na hango sa show ni Willie noon sa GMA 7), ang pagkapanalo nila ay dahil kay Willie, kaya napakalaki ng utang na loob niya sa TV host.
“Napakarami nang pinagdaanan ni Kuya Wil. Ang buhay ni Kuya Wil, nasubaybayan niyo parang gulong. Pero in the end, lagi naman niyang nalalampasan ang lahat ng pinagdadaanan niya.
“Ang dami na niyang natulungan. Wala na siyang kailangang i-prove pa. Ano pang masasabi mo sa ganoong klaseng tao? Tumutulong every day kahit hindi na niya kailangang gawin, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtulong,” pahayah pa ni Sam.
Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!
Donny, Belle may matinding pasabog para sa DonBelle fans; todo pasalamat sa mga natanggap na awards
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.