2 celeb sa ibang bansa nagde-date para makaiwas sa mga Marites

2 kilalang celeb sa ibang bansa nagde-date para makaiwas sa mga Marites

Reggee Bonoan |February 11,2024
facebook
share this

2 kilalang celeb sa ibang bansa nagde-date para makaiwas sa mga Marites

Reggee Bonoan - February 11, 2024 - 09:03 PM

2 kilalang celeb sa ibang bansa nagde-date para makaiwas sa mga Marites

Guess, guess who!?

TAKANG-TAKA ang aming source na nasa ibang bansa dahil nakita niya mismo ang dalawang personalidad na magkasamang naglalakad na magkahawak-kamay.

Pasimpleng binidyuhan ng aming source ang dalawang personalidad na kahit may mga kasama ay halata namang sila ang magka-date base na rin sa mga tinginan at tawanan nila.

Matagal na palang nagkakasama ang dalawang personalidad sa mga lakaran pero hindi sa Pilipinas dahil nga maraming Marites.

Pero baka nakalimutan nilang kahit saang sulok ng mundo ay may mga tsismoso’t tsismosa kaya hindi na rin safe ang ginagawa rati ng mga personalidad na kapag gustong mag-date ay lalabas sila ng bansa.

Going back sa dalawang personalidad, mukhang nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila kaya wala pang gaanong alam si male personality sa dine-date niyang female personality.

Baka Bet Mo: Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?

Kaya laking gulat ng male personality nang makausap naman niya ang kanyang matalik na kaibigan at sinabi kung sino ang dine-date niya ay kaswal namang binanggit ng BFF niya ang tungkol sa female personality.

“Ha? Talaga? Hindi ko alam,” ang naging reaksyon ng male personality.

Sabi namin, baka hindi pa masyadong nagkukuwento si female personality tungkol sa mga nakatagong lihim sa baul niya.

Kaya wait na lang ni male personality dahil baka naman magtapat din ang bagong nagpapasaya sa buhay niya sa katagalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, single si female personality pero si male personality ay matagal nang hiwalay sa asawa, ‘yun nga lang hindi pa opisyal dahil wala pang dokumento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending