Catriona inisnab ba ang b-day party ni Sam, tuloy ang hiwalayan?

Catriona inisnab nga ba ang b-day party ni Sam, natuloy ang hiwalayan?

Ervin Santiago - May 29, 2024 - 12:11 AM

Catriona inisnab nga ba ang b-day party ni Sam, natuloy ang hiwalayan?

Catriona Gray at Sam Milby

WALA si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa bonggang birthday celebration ng kanyang fiancé na si Sam Milby.

Hot topic ngayon ng mga Marites ang hindi pagdalo ni Catriona sa ika-40 kaarawan ni Sam last Sunday, at kanya-kanya nga sila ng reaksyon at rason kung bakit nga ba waley ang dalaga sa naturang event.

Last May 23, ang eksaktong araw ng  40th birthday ni Sam pero nito lamang May 27, Sunday, nangyari ang surprise  party sa kanya na in-organize ng malalapit niyang kaibigan.

Baka Bet Mo: Catriona Gray, Sam Milby matagal nang hiwalay, true kaya?

Naganap ang event sa Manila House Private Members Club sa Taguig City kung saan present ang family ng Kapamilya actor pati na ang mga friends niya in and out of showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)


Sa mga nakita naming litrato at video sa Instagram page ng Star Magic, game na game at masayang nakipag-picture sa kanyang mga bisita.

Ang caption na nakasaad sa Star Magic page, “#SamMilby surely had a birthday celebration to remember!

“The stellar charmer was delighted to spend his special day with family and friends in a surprise party!

“Happy birthday once again, Sam!”

Sa Instagram post naman ng Nice Print Photo, makikita ang mga celebrities na present sa surprise birthday party ni Sam. Naroon sina Gerald Anderson, John Prats, Michael de Mesa, Marc Solis, at Sancho delas Alas.

Pero sa lahat ng mga naglabasang pictures sa social media ay wala kaming nakita ni isa na naroon si Catriona kaya naman ang mga netizens at mga Marites all over the universe ay takang-taka.

Kapansin-pansin din na hindi binati ni Catriona si Sam sa kanyang social media accounts, samantalang sa past birthday ng aktor ay palagi siyang nauunang bumati kapag sasapit ang kaarawan ng aktor.

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Kasunod nito, muling nabuhay ang chika na hiwalay na sina Sam at Catriona na unang napabalita noong May 9 kung saan binura ng beauty queen ang engagement photos nila ni Sam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cornerstone Entertainment (@cornerstone)


May chika ring kumalat last February, 2024, na hindi na matutuloy ang wedding ng celebrity couple matapos mabalitang break na sina Catriona at Sam. Ito naman yung panahon na nakita ng mga netizen na hindi na suot ni Cat ang kanyang engagement.

Pero nang sumunod na araw, nag-upload si John Prats sa Instagram ng photos sa naganap na double date nila ng kanyang asawa na si Isabel Oli kina Catriona at Sam.

Pero sa isang vlog, kinumpirma na ang hiwalayang Catriona at Sam pero friends pa rin naman daw ang dalawa. At pagkatapos nga nito ay naglabas ng official statement ang Cornerstone about the issue.

“We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending