Jestoni kinompronta ni Angela: Ayokong 24/7 lagi niya akong binabantayan | Bandera

Jestoni kinompronta ni Angela: Ayokong 24/7 lagi niya akong binabantayan

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 08:52 AM

Jestoni kinompronta ni Angela: Ayokong 24/7 lagi niya akong binabantayan

Angela Alarcon at Jestoni Alarcon

DAHIL sa pagiging istrikto ni Jestoni Alarcon bilang ama, may pagkakataon na napapaiyak na lang ang anak niyang Kapuso actress na si Angela Alarcon.

Iyan ang naging rebelasyon ni Angela nang sumalang sa special edition ng “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Sabado.

Ayon sa dalaga, talagang sobrang strict daw ni Jestoni sa kanilang magkakapatid pero naiintindihan naman nila kung bakit ginagawa yun ng kanilang ama ngunit kung minsan daw ay naba-bad trip din siya.

Baka Bet Mo: 2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

“Napaiyak ka na sa sobrang strict ng tatay mo?” ang tanong ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda kay Angela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jestoni Alarcon FA (@jestoni.fa)


“Medyo, kasi as I mature na rin siyempre parang gusto ko rin na I live my life on my own terms na rin so may mga moments na parang gusto ko na rin maging independent, my choices,” sagot ni Angela.

At dahil sa pagiging sobrang istriktong tatay ni Jestoni, nagdesisyon na raw si Angela na kausapin nang masinsinan ang dating action star para sabihing gusto na niyang maging independent.

“Parang kinonfront ko siya, sinabihan ko siya na…sinabi ko ‘yung issue parang gusto ko na rin magsarili, I have my own decisions na rin, ayoko na 24/7 na lagi niya akong binabantayan.

“Ayun, naintidihan naman niya and mas less ano na siya, less controlling na siya sa akin,” lahad ni Angela. Aniya pa, mas naging close pa sila ngayon ni Jestoni pagkatapos ng kanilang “confrontation scene.”

Baka Bet Mo: Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Nagpaliwanag naman ang veteran actor kung bakit medyo istrikto siya bilang tatay, “Well actually, ‘yung pagti-text and follow-up, kapag wala pang sagot ng matagal-tagal na, kailangan i-follow-up mo ‘yung anak mo.

“Dahil siyempre nasa labas iyan kasama mga kaibigan, or hindi mo kilala ‘yung mga kasama. Just to make sure she’s safe hanggang sa makauwi siya ng safe sa bahay namin,” katwiran ni Jestoni.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angela Alarcon (@angelaalarcon)


Dagdag pa niya, “Iyun lang naman ang laging worry ng mga magulang na makakatulog yan kapag okay ka, or ihahatid ka, or kung kaya mo mag-drive, hindi ka nakainom or whatever, ‘yun lang naman.

“Pero kapag sumagot siya she’s safe okay no problem. Nakakatulog na kami mag-asawa,” aniya pa.

Sabi pa ni Jestoni, natural lang sa mga magulang ang mag-alala sa mga anak lalo na sa mga panahong ito. Pinatunayan din ng aktor na totoong-totoo ang unconditional love ng mga parents sa kanilang mga anak.

“Well actually wala pa naman ako doon sa age na super tanda na, pero parating na tayo doon.

“Pero sabi nga nila kapag nagkaroon ka ng anak, yung obligasyon mo at pagmamahal mo sa anak mo hanggang sa tumanda ka, nandiyan iyan, e.

“Kahit na magkaroon ng pamilya yan, magkaroon ng anak, magkaroon ka ng apo diyan, hindi pa rin puwedeng hindi mo ‘kumusta ka diyan?’ O ‘Okay ba kayo ng husband mo or ng anak mo?’

“So, hindi mawawala ‘yun, hanggang andito kami sa mundong ito, nandiyan kami sa likod niya to support her,” sabi pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago magtapos ang nasabing dating game sa “Showtime”, na-meet ni Jestoni ang abogadong si Geron bilang date for the day ng kanyang anak na si Angela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending