Semana Santa 2017: Sakripisyo ni idol
BAWAT isa sa atin ay siguradong may kuwento ng pagsasakripisyo – pwedeng ito’y para sa ating sarili, maaaring para sa pamilya o sa isang taong mahal na mahal mo.
Maraming uri ng sakripisyo, ngunit isa lamang ang kahulugan nito para sa maraming Pilipino – ang tunay na pagmamahal.
Ngayong Semana Santa, tinanong namin ang ilan sa mga kilalang local celebrities kung ano ang biggest o greatest sacrifice na nagawa nila sa kanilang buhay. Narito ang kanilang mga naging tugon.
BOOBAY
“Mga sacrifices ko siguro sa buhay, nagsimula nu’ng nagkasakit ang nanay ko. Yung hindi ko naibigay yung oras na dapat kong ilaan sa kanya kasi I have to work. Kasi nagkaroon siya ng kidney failure. Nag-dialysis siya. Isinakripisyo ko yung dapat nandu’n ako para mas maging strong siya pero kailangan kong magtrabaho kasi kailangan ng panggastos.
Saka di ba, nagko-comedy bar ako, yung tipong sasampa ka ng stage tapos may balita na, ‘Ay tinakbo na naman sa ospital yung mama mo.’ Yun yung isa sa sacrifice ko na masasabi ko na alam ko masaya na ang nanay ko ngayong nasa heaven na siya at nakikita niya heto na ako ngayon, may narating na kahit paano at nakakatulong na sa tatay ko.”
MARK HERRAS
“Isa sa mga sacrifice ko sa buhay yung hindi ko madalas nakakasama ang mga magulang ko dahil sa trabaho. Alam mo ‘yun kasi kailangan kong magtrabaho pero hindi ko naman talaga sinisisi yung work ko. Yun yung biggest sacrifice sa buhay ko, na dumating sa point na maglaho sila mawala sa buhay ko. So nag-iisip na sana noong panahong ito mas nagbigay ako ng time at atensyon sa kanila.”
DIMPLES ROMANA
“My children. Kasi I feel when you have your children it’s really your greatest sacrifice because as a mother you don’t have your life na with you. Kumbaga yung buhay mo umiikot na lang sa mga bata so I feel, that is my greatest sacrfice. Ang mapapayo ko lang sa mga mother, is keep fighting for your children make sure that they have the best of everything. And that doesn’t mean na tuturuan n’yo silang magkapera o ganito. I feel that the lesson should be always coming from the heart. Meaning you have to teach them how to be strong, how to be ready for life’s challenges yun ang pinakaimportante sa akin.”
JESTONI ALARCON
“Ako siguro biggest sacrifice, kung minsan yung quality time mo sa pamilya mo hindi mo magawa kasi busy sa work pero kapag ginawa mo at inayos mo yung time management mo, magagawa mo rin. So, bago mo pagsisihan, gumawa ka na ng paraan na maibigay yung quality time para as mga mahal mo sa buhay. ”
LJ REYES
“Biggest sacrifice in life for me so far is yung i-prioritize ko yung anak ko. Kasi siyempre alam naman nating lahat na hindi siya dumating sa panahong inaasahan natin pero lahat ng plans na gusto ko sana I had to let it go, para sa kanya. But no regrets dahil lahat naman ng ginagawa ko ngayon ay para sa future niya rin.”
KIM DOMINGO
“Yung biggest sacrifice ko sa buhay siguro yung huminto ako sa pag-aaral kasi kinakailangan ko munang magtrabaho muna para sa family ko. For me, talagang napalaking sakripisyo nu’n. Siguro pag dumating yung panahon na wala na ko sa showbiz, gusto kong bumalik sa pag-aaral para matapos ko yung college ko. Wala namang pagsisisi kasi masaya ako na natutulungan ko yung pamilya ko, nabibigay ko yung gusto nila kasi before sobrang hirap ng buhay namin.”
KATRINA HALILI
“Para sa akin siguro noong nagka-baby ako. Positive na sacrifice siya, ha. Kasi noong nalaman ko na buntis ako iniisip ko, ‘Oh my God magre-renew na ako ng contract ganyan. Hindi pa tapos yung bahay ko ganyan and everything. Sabi ko paano yun? Parang two days ako nag-isip. Tapos yun, tinanggap ko na siya. Tumawag ako sa manager ko nagpatawag ako sa GMA na hindi na ako magsa-sign, hindi na ako mag-aartista.
“Yun yung sa sarili ko po yun. Hindi ko na po nakikita na makikita ko yung sarili ko dito (showbiz) tapos ayun noong kinausap ko sila, sinabi nila sige aantayin namin kung okay ka na sabihin mo. So parang feeling ko yun yung biggest sacrifice na positive in my way.”
GABBI GARCIA
“Sacrifice would be, hindi naman siya bad sacrifice it’s something good naman. I skip one year in college to pursue my acting career. It’s not only for me but also for the benefit of my family as well. My sisters are graduating. So ayun greatest sacrifice ko but eventually I’m gonna enter back. Siyempre, iba pa rin na may hawak kang diploma.”
MEG IMPERIAL
“One of the greatest sacrificeS ko in life, ito yung i-give up ko yung social life ko to work for my family dahil ako yung bread winner. So I always make sure na first priority ko muna ang family ko bago ‘yung makipag-relationship kung kinakailangan para makapag-provide ako sa family ko.”
SYLVIA SANCHEZ
“Greatest sacrifice ko sa buhay ko ay yung talikuran ko yung sariling buhay ko para sa mama ko at para sa mga kapatid ko pero gusto ko yun. Choice ko yun. At hindi ako pinabayaan ng Diyos. Sinamahan niya ako, mahal na mahal niya ko. Ang mapapayo ko sa mga nanay na tulad ko, mahalin n’yo ang mga anak n’yo, alagaan n’yo, saka kailangan wag n’yo silang hayaan na bastusin kayo. Kailangan alam nila na nanay ako, ako yung masusunod pero at the same time matuto rin tayong makinig sa side ng anak natin para magkasundo tayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.