Chelsea Manalo wagi bilang Miss Universe PH 2024
ITINANGHAL bilang Miss Universe Philippines 2024 ang kandidata mula sa Bulacan na si Chelsea Manalo.
Naganap ang coronation night nitong Miyerkules, May 22, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Mismong si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang naglagay ng korona kay Chelsea.
Talaga namang pinatunayan ng dalaga mula sa Bulacan na hindi lang ganda ang mayroon siya matapos nitong talunin ang 52 pang kandidata ng naturang beauty pageant.
Baka Bet Mo: Miss Universe PH Top 5 ibinandera na, sino ang magwawagi ng korona?
View this post on Instagram
Samantala, bukod kay Chelsea na matagumpay na nasungkit ang korona wagi rin sina Stacey Gabriel of Cainta (1st place), Ma. Ahtisa Manalo of Quezon Province (2nd place), Tarah Valencia of Baguio (3rd place), at Christi Lynn McGarry of Taguig (4th place).
Si Chelsea Manalo na nga ang magiging representative ng Pilipinas sa susunod na edition ng Miss Universe na gaganapin sa Mexico ngayong taon.
Susubukan nitong masungkit at muling maiuwi sa bansa ang Miss Universe crown.
Sa ngayon ay apat na beses nang itinanghal ang pambato ng Pilipinas bilang Miss Universe.
Una na rito ay si Gloria Diaz noong 1969. Sumunod si Margie Moran noong 1973. Wagi rin si Pia Wurtzbach noong 2015. At ang huli ay si Catriona Gray noong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.