Miss Universe PH Top 5 ibinandera na

Miss Universe PH Top 5 ibinandera na, sino ang magwawagi ng korona?

Therese Arceo - May 23, 2024 - 12:17 AM

IBINANDERA na ang mga kandida na pasok sa Top 5 ng Miss Universe PH 2024.

Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation night ng naturang patimpalak sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kabilang sa mga kandidatang magpapatuloy sa next round at may tsansa na makamit ang korona ay sina:

Chelsea Manalo, Bulacan
Christi Lynn McGarry, Taguig
Ma. Ahtisa Manalo, Quezon Province
Stacey Daniella Gabriel, Cainta
Tarah Valencia, Baguio

Baka Bet Mo: Top 10 sa Miss Universe PH 2024 laban kung laban sa next round!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ito ang ikalimang pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng naturang international pageant.

Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest at ang Kapuso actress na si Michelle Dee na umabot naman sa Top 10 finalists.

Kung sino man ang kokoronahang kandidata, siya ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico.

Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending