Top 10 sa Miss Universe PH 2024 laban kung laban sa next round!
LABAN kung laban pa rin ang 10 kandidata sa ginaganap ngayong Miss Universe Philippines 2024 sa Mall of Asia Arena hosted by Alden Richards, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at American TV presenter na si Jeannie Mai.
Baka Bet Mo: Top 20 sa Miss Universe PH 2024 napili na, Hawaii, Leyte, Iloilo pasok
Hindi pa rin nalalaglag sa kumpetisyon sina Miss Cebu Kris Tiffany Janson, Miss Iloilo City Alexie Brooks, Miss Bacoor Victoria Vincent at Miss Quezon Province Ma. Ahtisa Manalo. Narito ang kumpletong listahan ng Top 10 finalists.
View this post on Instagram
1. Kris Tiffany Janson, Cebu
2. Alexie Brooks, Iloilo City
3. Chelsea Manalo, Bulacan
4. Christi Lynn McGarry, Taguig
5. Victoria Vincent, Bacoor
6. Cyrille Payumo, Pampanga
7. Ma. Ahtisa Manalo, Quezon Province
8. Stacey Daniella Gabriel, Cainta
9. Anita Rose Gomez, Zambales
10. Tarah Valencia, Baguio
Ang bawat kandidatang tinatawag na pasok sa Top 10 ay sumasabak sa informal question and answer portion kung saan mas nakilala pa ng sambayanang Filipino ang kanilang personalidad.
Baka Bet Mo: Bakbakan ng mga ‘halimaw’ sa The Clash 4 mas tumindi pa; Rabiya bibida sa ‘Wish ko Lang’
Muling lalaban sa next round ang Top 10 finalists para sa susunod na challenge at pagkatapos nito ay pipiliin na sa kanila ang Top 5 na siyang maglalaban-laban para sa huling round.
View this post on Instagram
Sasabak na rin ang 10 kandidata sa question and answer portion ng pageant. As usual, ito na ang pinakaaabangan ng lahat dahil dito na nga masusubok ang bilis ng isip at ang kanilang galing sa pagsagot.
Isa ito sa pagkukunan ng points ng mga judges para malaman kung sino ang hihiranging Top 5 finalists na maglalaban-laban para malaman kung sino ang karapat-dapat na pumalit sa trono ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Ngayong taon, binigyan ng powers ng MUPH organizers ang sambayanang Filipino para iboto ang kanilang mga bet na kandidata.
Ito ang ikalimang pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng pandaigdigang patimpalak.
Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest at si Michelle Dee na umabot naman sa Top 10 finalists.
Bitbit ngayon ng bagong reyna ang tungkuling mapanumbalik ang lakas ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong 2022 ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.
Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.