2 sugatan matapos bombahin ang chapel sa Cotabato City

2 sugatan matapos hagisan ng granada ang isang chapel sa Cotabato City

Pauline del Rosario - May 20, 2024 - 11:35 AM

2 sugatan matapos hagisan ng granada ang isang chapel sa Cotabato City

INQUIRER photos

DALAWA ang naitalang sugatan sa naganap na pagsabog sa Cotabato City.

Base sa initial report, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang naghagis ng hand grenade sa Santo Niño Chapel sa Barangay Rosary Heights 3 bandang 10:30 a.m. noong Linggo, May 19, habang ongoing ang Bible service.

Ang mga nagtamo ng sugat ay ang mga residente na sina Maribel Abis, 46, at ang senior citizen na si Aniceta Tobil.

Kwento ng barangay chairman na si Kagi Omar Pasawilan, nakasakay sa motorsiklo ang dalawang suspek nang bigla silang naghagis ng granada at mabilis na tumakas palayo.

Ang nangyaring atake ay kinondena ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.

Baka Bet Mo: Class section sa isang school sa Cotabato ipinangalan kay Jed Madela; feeling blessed matapos makaramdam ng pangdededma

“Let’s all fight violence and terrorism. [The attack was an] outright disrespect to the Roman Catholic Church and its believers,” sambit niya.

Ayon pa sa alkalde, magbibigay siya ng “reward money” sa sinumang makapagbibigay sa pulisya ng anumang impormasyon na makakapagturo sa mga salarin.

Nakapanayam ng INQUIRER ang police director ng Cotabato City na si Colonel Querubin Manalang Jr. at nabanggit niya na kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital ang mga nagtamo ng sugat sa insidente.

“There were at least 20 people who attended the fellowship when motorcycle-riding suspects threw the grenade at the chapel,” sey ni Manalang.

Nauna nang sinabi ng City Explosive Canine Unit (Cecu) na isang M-26 hand grenade ang ginamit ng mga suspek, batay sa safety lever na nakuha mula sa crime scene.

Kasalukuyan nang kinokolekta ng pulisya ang CCTV footage malapit sa kapilya bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.

Kung matatandaan, noong December last year nang mangyari ang huling pagbomba sa Marawi City.

Nagtanim ng improvised bomb ang mga terorista sa isang gymnasium sa loob ng Mindanao State University (MSU) habang ongoing ang misa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Apat ang nasawi at karamihan diyan ay mga estudyante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending