Paolo kontra sa paggamit ng salitang 'bakla': We're all human beings! | Bandera

Paolo kontra sa paggamit ng salitang ‘bakla’: We’re all human beings!

Ervin Santiago - May 19, 2024 - 07:27 AM

Paolo kontra sa paggamit ng salitang bakla: We're all human beings!

Paolo Contis

HINDI pabor ang aktor at TV host na si Paolo Contis sa paggamit ng salitang “bakla” sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Depensa ni Pao, pantay-pantay ang lahat ng tao at parang hindi raw kasi maganda sa pandinig ang pagtawag ng “bakla” sa sinumang indibidwal.

“Ayoko ‘yung term na bakla, we’re all human beings, ganu’n lang kasimple ‘yun.

“Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ‘babae,’ ‘lalaki,’ ‘bakla.’ I mean, it’s just too much,” ang pahayag ng aktor sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Julia love na love ang mga miyembro ng LGBTQ: ‘Bakla’ na ako kasi lahat ng best friends ko bakla

Marami raw kaibigan si Paolo sa LGTBQIA+ community at isa raw ito sa mga  natutunan niya at dapat daw ay nirerespeto nang kusa ang mga beki.

“Everyone, pare-pareho tayong nabubuhay, pareho tayong nagmamahal ng pamilya.

“Gusto lang naman natin maging masaya, minsan nasasaktan. Pantay-pantay tayo. ‘Yun lang ang natutunan ko sa mga kaibigan natin LGBTQ+.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I mean, we’re all human beings, we don’t need to demand respect, we just need to be respected. It’s a birthright,” dagdag pang paliwanag ni Pao.

Baka Bet Mo: Herlene Budol insecure noon sa sobrang tangkad: Napagkakamalan akong bakla dati pa, pati boses ko…

Proud din ang Kapuso star sa bago niyang pelikula, ang “Fuchsia Libre” kung saan gumaganap siya bilang gay MMA fighter with John Arcilla, na gumaganap naman bilang tatay niya.

“Sobrang fun. I was able to work with the Philippine Wrestling Federation and siyempre ‘yung mga kaibigan nating mga gay kasama rin natin of course.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa industriya marami at mahal na mahal ko naman ‘yan. And I’m very happy that I was given the opportunity na makapag-play, at sana nagawan ko ng hustisya ‘yung pag-play ko bilang gay,” sey pa ni Pao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending