Direktor panay hingi ng downpayment posibleng kasuhan?

Direktor panay hingi ng downpayment, pero hindi agad ginagawa ang pelikula

Reggee Bonoan - May 18, 2024 - 06:35 AM

Direktor panay hingi ng downpayment, pero hindi agad ginagawa ang pelikula

“AKALA namin nagbago na siya, hindi pa pala,” ito ang hinaing ng nakatsikahan naming producer at production people tungkol sa direktor na maraming projects.

Ang nabanggit na direktor ay magaling daw mag-pitch ng project sa mga producers at kapag napa-oo na ay nanghihingi na kaagad ng downpayment para sa gagawin nitong pelikula.

Medyo nagtataka lang ang producer na nakausap namin dahil matagal pa bago simulan ang pelikula dahil may tinatapos pang ibang pelikula ang direktor pero nanghihingi na kaagad ng dp.

At para matigil na dahil panay daw ang tawag ng direktor ay binigyan na hindi naman binanggit kung magkano.

Mula raw nang mabigyan ay hindi na nagparamdam ang direktor at lumipas na ang dalawang buwan ay wala pa rin kaya tinawagan ng producer ang direktor at sabi ay busy lang dahil hindi pa tapos ang pelikula.

Baka Bet Mo: Direktor naghintay kay Jaclyn Jose sa sinehan: But you never came…

“Tapos na ‘yung pelikulang ginagawa nu’ng nanghingi siya ng downpayment, itong sinabing hindi pa tapos, ibang pelikula na ulit ito na sinimulan, nakakaloko ‘di ba?” saad ng kausap naming producer.

Ang kwento naman tungkol sa production people ay hindi pa sila binabayaran ng buo ng direktor na medyo nagtaka kami dahil hindi naman dapat siya ang magbabayad ng mga tao niya, hindi ba ang producer?

May binanggit ang production people sa sistema ng direktor kaya sa kanya manggagaling ang bayad sa tao niya.

“Panay ang tawag naming hindi kami sinasagot, maski sa text dedma rin,” sabi ng mga kausap namin.

At dahil maraming ka-tsikahang artista ang direktor ay nagtanong kami sa isa sa nakatrabaho niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, oo ganyan nga siya (direktor), hindi ko nga alam bakit laging gipit sa pera, ang lakit ng talent fee niya.  Dami na ring nagkukuwento sa akin na iisa ang sinasabi,” pagtatapat ng aktres na naka-work na ng direktor.

Anyway, ang sabi ng producer kapag hindi pa rin daw nagparamdam ang direktor sa kanya ay idadaan niya ito sa legal na usapan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending