Kim kay Darryl: Gusto ko siyang yakapin pero gusto ko rin siyang sapakin
IYAK nang iyak ang singer-actress na si Kim Molina sa presscon ng upcoming movie nila ni Jerald Napoles under Viva Films, ang “Seoulmeyt.”
May kinalaman ito sa naging epekto ng 2022 Presidential elections sa friendship nila ng Box-office director na si Darryl Yap na siyang nagdirek ng “Seoulmeyt”.
Ang “Seoulmeyt” ay reunion movie nina Kim at Jerald at ni Direk Darryl na unang nagsama sa pelikulang “Jowable” na sinundan ng “Ang Babaeng Walang Pakiramdam.”
Baka Bet Mo: Jerald pangarap bumida sa mala-‘Joker’ na pelikula; game pa bang tumodo sa mga love scene kasama si Kim sa Vivamax?
Alam naman ng lahat na lantarang sinuportahan ni Darryl ang kandidatura ni President Bongbong Marcos habang sina Kim at Jerald ay nangampamya para kay former Vice-President Leni Robredo.
View this post on Instagram
Sa naganap na grand mediacon ng “Seoulmeyt”, sinabi ni Darryl na naka-schedule talaga niyang gawin ang naturang pelikula na kinunan pa sa South Korea, noong 2022.
“I can’t remember what happened during the election, medyo nagka-gap kami ni Kim eh, because she was supporting the color of your table (pink), I was supporting the color of the carpet (red),” kuwento ng direktor na ang tinutukoy ay ang table cloth at carpet sa venue ng event.
Makalipas ang mahabang panahon, muling nagkita sina Kim at Darryl sa birthday party ng Viva Entertainment owner na si Boss Vic del Rosario. At para raw ma-break ang sa pagitan nila, nagsuot siya ng pink sa party.
Sey pa ni Direk, nakita niya ang naging struggle ng KimJe noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nila dahil sa politika, “I know na mas sila ‘yung mga nakaka-receive ng hindi magaganda.
View this post on Instagram
“Kasi kilala ko ‘yung mga nakakasamaan ka ng loob sa showbiz friends nila, so I’m sure sinasabi, Kim, Je ba’t naman ganyan si Darryl?” pahayag pa ng direktor.
Sabi naman ni Kim, nag-effort daw talaga ang mga boss ng Viva Entertainment at ilang kaibigan para maayos ang isyu sa kanila ni Darryl. Aniya, hindi naman daw nawala ang pagmamahal niya sa kaibigan.
“Although he knows na hindi ako pabor du’n sa mga pinaggagagawa niyang mga bagay-bagay and I was very honest and open with that it and ang dami kong questions sa kanya.
“But then again I’m the kind of friend wherein tinanggap kita, kaibigan kita, I will be right by your side. Kaya kitang ipagtanggol, but this time around, I will not talk to you.
“Alam n’yo ‘yung ganu’ng klaseng kaibigan? So ang hirap kasi during that particular time, a lot of people would ask me to talk because I am ‘Jowable.’ I have to say something,” ang emosyonal na pagbabahagi ni Kim.
Sey pa ng aktres, feeling niya ipit na ipit sila ni Jerald sa isyu ng politics, “Gusto ko siyang yakapin kasi inaaway siya, pero gusto ko na siyang sapakin. Ang hirap di ko alam kung anong gagawin ko kay Da.”
“Kaya this film is really special to me. Aakuin ko na, sorry. It’s very special because nakasama ko ulit ‘yung kaibigan ko na kagaguhan ko, nakasama ko siya ulit.
“Kasi palagi ko ngang sinasabi na ang daming hindi nakakaalam ng isang side ni Darryl na ako lang ang nakakakita, kasi hindi niyo alam ‘yung Darryl na hawak ‘yung kamay sa taas, tapos bababa kami.
“Tatalon ba tayo? Tapos that happened and I cannot talk to him anymore so it was hard,” aniya pa.
Samantala, trailer pa lang ng “Seoulmeyt” ay pak na pak na agad sa mga Pinoy. Milyones na agad ang views at comments na hinamig nito.
Kasama rin dito sina Isay Alvarez, Kid Yambao, Jobelyn Manuel, Marnie Lapus, at Candy Pangilinan. Mapapanood na ang pelikula sa mga sinehan nationwide simula sa May 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.