Vice, Anne, Andrea sumugod sa Pampamga, mga Cabalen wagi

Vice, Anne, Andrea sumugod sa Pampamga, mga Cabalen waging-wagi

Ervin Santiago - May 13, 2024 - 08:29 AM

Vice, Anne, Andrea sumugod sa Pampamga, mga Cabalen waging-wagi

Anne Curtis, Jhong Hilario, Vice Ganda, Andrea Brillantes at iba pang cast ng ‘High Street’

NARAMDAMAN ng mga Kapamilya stars ng “It’s Showtime” at “High Street” ang mainit na pagtanggap ng mga taga-San Fernando na dinumog ang SM Pampanga Amphitheater para sa Bida Kapamilya event ng ABS-CBN.

Pinasaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Ogie Alcasid, Jhong Hilario, Darren Espanto, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, MC, at Lassy ang mga fan na pumunta sa event sa pamamagitan ng kanilang mga pasabog na performance.

Nag-ikot din ang mga host ng “It’s Showtime” sa mga lugar sa San Fernando para makipagkita sa mas maraming Kapamilya sa kanilang float parade.

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo ipinagpaliban muna ang concert sa Pampanga, anyare?

Nagsama-sama naman ang “TNT” champions na sina Lyka Estrella, JM Yosures, Reagen Villareal, JM Dela Cerna, Mariel Montellano, at Reiven Umali na hinarana ang mga tao sa SM Pampanga Amphitheater.

Samantala, nagpakitang-gilas din sina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Elijah Canlas, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Harvey Bautista, at Ralph de Leon, ang mga bida sa upcoming primetime show ng ABS-CBN na “High Street,” sa mga Cabalen.

Ipinakita rin nila sa fans ang official poster ng “High Street” sa naturang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


“Ang sarap na sama-sama kaming sinalubong ng mga Kapampangan na Kapamilya natin. Nakakatuwa kasi nakaka-miss din gawin ‘yung ganito. Ang tagal naming hindi nagagawa ‘to,” sabi ni Vice sa panayam ng “TV Patrol.”

Baka Bet Mo: Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord

Nagpapasalamat naman si Xyriel sa mga taong dumating para suportahan ang kanilang Bida Kapamilya event sa kabila ng mainit na panahon.

“Sobrang appreciated po namin ‘yung effort nila kasi sobrang init ngayon, pero pumila sila at ngayon nagse-stay sila sa labas. Sobrang thankful po kami sa dedication nila,” chika ni Xyriel.

Maliban sa mga nakakaaliw na production numbers, binigyan din ng libreng ice cream at tubig ang mga dumalo, habang ang ilan ay maswerteng umuwi na may dalang papremyo mula sa raffle.

Huwag palampasin ang bawat episode ng mga programa ng ABS-CBN Studios na “FPJ’s Batang Quiapo,” “Linlang: The Teleserye Version,” at “High Steet” tuwing weekday at “The Voice Teens,” “I Can See Your Voice,” at “ASAP Natin ‘To” tuwing weekend sa lahat ng platforms ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending