Marian RIvera never natakot mag-sorry sa mga anak

Marian chinika ang best part bilang ina; never natakot mag-sorry sa mga anak?

Pauline del Rosario - May 12, 2024 - 05:42 PM

Marian chinika ang best part bilang ina; never natakot mag-sorry sa mga anak?

PHOTO: Instagram/@marianrivera

KAHIT nagbabalik na sa showbiz, lagi pa ring sinasabi ng award-winning actress na si Marian Rivera na number one priority niya ang mga anak na sina Zia at Sixto.

Pero hindi ba mahirap balansehin ang pagiging hands-on mom at responsibilidad sa pag-aartista?

‘Yan ang isa sa mga inusisa sa naging panayam ng batikang aktres sa Mother’s Day episode ng GMA Pinoy TV podcast kamakailan lang.

“Kung aayusin mo sa time management at alam mo ang priority mo sa buhay, parang hindi ka naman mahihirapan,” sagot ni Marian.

“Mahihirapan ka lang siguro sa katawan dahil nagte-taping ka, pagod ka, gigising ka ng maaga para sa mga anak mo. Pero kung iisipin mo ‘yung time management na kung ano ba talaga ang pinaka rurok ng priority ko? Parang hindi ka mahihirapan,” paliwanag pa niya.

Baka Bet Mo: Marian: Gusto kong maging aligagang nanay…ako ‘yung gigising, magpapaligo at maghahatid sa mga bata sa school

Nang tanungin naman siya kung ano ang “best part” sa pagiging isang ina, ito raw ‘yung maramdaman niya ang pagiging nanay.

“Priceless talaga siya.’Yan ang pinaka pinagpapasalamat ko kay Lord…kasi iba talaga kapag nanay ka,” wika ng celebrity mom.

Patuloy niya, “Ang daming magbabago na maganda para sayo…Ang dami mong adjustment na ‘yung mga akala mong hindi mo kayang gawin, pero kaya mo pala gawin para sa mga anak mo.”

Kasunod niyan ay inamin ni Marian na hindi siya takot na humingi ng “sorry” sa dalawa niyang anak.

“Kasi wala namang perpektong tao eh,” panimula niya.

Saad pa ng aktres, “Tayo kasing mga magulang, minsan feeling natin bababa tayo…Pag alam nating mali tayo, kailangan i-accept natin, i-admit natin ‘yun. Hindi ibig sabihin nun na talo tayo.” 

“[Ang] ibig sabihin tinuturuan natin ‘yung bata na huwag matakot kung nakakagawa sila ng hindi maganda at alam nilang magagalit ang mga magulang nila, hindi sila matatakot na mag-sorry at magsabi ng totoo,” tugon pa niya.

Chika ni Marian, “Kasi, you as a mom or as a parent, magiging role model ka nila. Ngayon, kung ganun ka na mataas ang ego mo, paglaki nila, ganun din sila. So ayaw natin yun.”

“Kailangan transparent ‘yung relationship, kailangan hindi sila matakot magsabi sayo kung ano ang nasa loob nila,” aniya pa.

Para naman sa mga maraming nagtatanong kung may balak na nga bang sundan nina Marian at ng kanyang mister na si Dingdong Dantes ang bunsong si Sixto.

“As of now, sa dami ng ginagawa ko, parang hindi ko masabi at parang masaya ako sa dalawang ito,” deretsahan niyang sagot.

Pero paglilinaw ng Kapuso actress, “Ngayon, sabi ko nga, sino ba naman ako na magsabi ng ‘ayoko na’ [or] ‘gusto ko.’ So sa kanya [kay Lord] pa rin manggagaling lahat. Kung ibibigay sakin, why not. Kung hindi, it’s perfect, I have two kids.”

Matatandaang taong 2014 nang ikinasal sina Marian at Dingdong.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan sila ng magandang anak na si Zia at matapos ang apat na taon ay nagkaroon naman sila ng baby boy na si Sixto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending