Boy gusto sanang mag-ampon noon pero hindi na ngayon: Unfair na sa bata
BINALAK ng King Of Talk na si Boy Abunda na mag-ampon para magkaroon sila ng anak ng kanyang long-time partner na si Bong Quintana.
Gusto rin ni Tito Boy noon na maging parent dahil talagang mahilig siya sa mga bata at feeling niya mas magiging happy siya kung magkakaroon ng bata sa kanilang tahanan.
But that was 25 years ago. Iba na raw ang pananaw niya ngayon hinggil sa pag-aampon kahit pa nga gusto ng kanyang partner na magkaroon sila ng baby.
“I was doing ‘Star Talk’ pa. I wanted to adopt pero si Bong ang may ayaw ang feeling. Kasi (adoption) has to be agreed by both parties,” ang pahayag ng premyadong TV host nang makachikahan ng BANDERA sa mediacon ng bago niyang show sa GMA, ang limited docu-series na “My Mother, My Story.”
Baka Bet Mo: Lolit Solis hanga kay Boy Abunda: Deserving ka sa lahat ng natatanggap mong biyaya sa buhay
Pagpapatuloy ni Tito Boy, “Ang problema namin nu’n, Bong was working as a flight attendant, so kulang kami sa oras.
“Ang sinasabi niya parati, wala na tayong oras para sa isa’t isa and then ano ang kapasidad nating mag alaga sa bata? We might be unfair,” aniya pa.
“But I remember that time, I was insistent. Gusto ko talagang magkaroon ng bata. Gusto ko lang kasi maliit kaming pamilya.
“Dalawa lang kaming magkapatid, ngayon iisa lang ang aming pamangkin. I have an adopted nephew so we’re a very small family, pero napakalaking clan,” dugtong pa ng seasoned TV host.
View this post on Instagram
Kuwento pa ni Tito Boy, 10 years ago daw, ang partner niyang si Bong naman ang gustong mag-adopt sila. Pero aniya, baka hindi na rin ito mangyari ngayon.
Baka Bet Mo: ‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class
“Parang hindi na fair sa bata. But I love children,” sey pa niya.
Dagdag ni Tito Boy, never naman daw siya pinresyur ng yumao niyang nanay na magkaroon ng sariling anak.
“I don’t know if it was love or respect na ang nanay, hindi talaga ng bukas ng conversation about having a child, about having a partner. Magkasama naman kami sa bahay, pero ‘di siya nagtanong,” sabi pa ng host ng top-rating GMA show na “Fast Talk with Boy Abunda.”
Mapapanood na ang “My Mother, My Story” ngayong hapon, 3:15 p.m. every second Sunday of the month.
Tampok sa unang episode ng programa si Luis Manzano at ang kanyang inang si Vilma Santos kasama ang kapatid na si Ryan Christian Recto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.