Nadine Lustre wala pang balak magka-baby, mas gustong mag-ampon
WALA pang planong magbuntis at magkaanak ang singer-actress na si Nadine Lustre.
Mala-Angelina Jolie ang drama ng dalaga — sa halip daw kasi na magkaroon siya ng sariling anak mas gusto niyang mag-ampon ng bata para siya ang mag-alaga at magpalaki.
Ayon kay Nadine, kung noon at palagi niyang sinasagot sa mga interview at gusto niyang magkaroon ng dalawang anak, nag-iba na raw ang plano niya ngayon.
Sa isang vlog kung saan nagkachikahan si Nadine at ang celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo, natanong uli ang aktres kung ilang baby ang nais niya in the future.
“Before, every time people would ask me that, I would say 2. But now, I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at,” paliwanag ni Nadine.
Aniya, nagbago ang pananaw niya sa pagkakaroon ng anak dahil na rin sa mga kanegahang nagaganap sa mundo, kabilang na ang COVID-19 pandemic.
Sey ng award-winning actress, kung mabibigyan daw ng chance, mas gugustuhin niyang mag-ampon na lang muna.
“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” lahad pa ng aktres.
Pero nabanggit naman ng ka-loveteam at ex-girlfriend (?) ni James Reid, kung sakaling mabuntis siya, paninindigan niya ito at gagawin ang lahat para maging mabuting mommy.
“If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at, I would rather adopt,” pahayag pa ni Nadine na nagsabing ang peg daw niya sa pananaw na ito ay ang Hollywood superstar na si Angelina Jolie.
Sa isang panayam kay Nadine, sumang-ayon din siya sa sinabi ni James tungkol sa usapin ng pagiging mommy at daddy.
“Ako din, I agree with him. Ngayon kasi medyo maraming nangyayari sa mundo natin na hindi tayo sure like a lot of stuff is happening. That’s why I’m not yet ready kasi marami pa akong gustong gawin,” sey ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.