Pokwang ini-stalk daw si Lee: Mga hunghang...di maka-move on!

Pokwang ini-stalk daw si Lee: Kayong mga hunghang…di maka-move on!

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Pokwang ini-stalk daw si Lee: Kayong mga hunghang…di maka-move on!

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 04:41 PM

Pokwang ini-stalk daw si Lee: Kayong mga hunghang...di maka-move on!

Pokwang, Lee O’Brian

“BARDAGULAN” mode na naman ang matapang at palabang komedyana na si Pokwang matapos okrayin ng ilang bashers sa social media.

Sinupalpal na naman ng Kapuso star ang mga netizens na patuloy na nangnenega sa kanya lalo na ang mga kumakampi sa dati niyang partner na si Lee O’Brian.

Nagsimula ang panunupalpal ni Pokey sa mga haters nang muling magparamdam sa Instagram si Lee na napilitang bumalik sa Amerika matapos sampahan ng deportation case sa Bureau of Immigration ng komedyana.

Nitong nagdaang May 2, 2024, nag-upload ang American actor sa Instagram ng litrato nila ng inang si Marilyn O’Brian kalakip ang kanyang birthday greeting para rito.

“Happy birthday to the best mama there is!! Wishing you the best on your special day!!!!

Baka Bet Mo: Pokwang sa pagkaka-deport ni Lee O’Brian: Peace of mind of both sides

“You are an inspiration and always have had my back, and so many people think the world of you…. You are 1 of 1!!

“Keep smiling and enjoy your year ahead!! Love you, mama!! #HappyBirthdayMama,” ang buong mensahe ni Lee sa ina.

Isang IG follower ni Lee ang nag-comment na pwede pa raw bumalik sa Pilipinas ang aktor kahit na na-deport siya.

“You’re welcome to come back here in the Philippines. Don’t mind the butthurt negative people, they don’t speak for the entire country.

“You’re a good person. Philippines is here as your second home whenever u decided to come back,” sey ng netizen.

Sagot naman sa kanya ng isang IG user, “Deported na xa paano mka balik ng pinas.” Na nireplayan ng follower ni Lee ng, “Being deported doesn’t mean you’re black-listed.”

“According sa news, deported sya and as a consequence of his deportation, his name has been included in BI’s blacklist,” ang panunupalpal uli ng isa pang netizen.

Hirit pa nito, “Teh basa basa ka ng news huwag lang puro thumbnail ang binabasa mo.. deported sya and kasama na sya sa blacklist!”

Ngunit hindi pa rin nagpatalo ang kakampi ni Lee, “Puwede makabalik ang na deport. May kakilala ako friend ng asawa ko. Austrian sya nakabalik sya d2. Nag bayad daw sya.”

Sa puntong ito, sumagot na si Pokwang, “Ay lagot ayaw ng @immigph yan wag ganon! baka makasuhan sila kapag ganyan. baka ipahanap sila ng BI at patunayan nila yan lagot!!!!”

Hirit pa niya, “Bawal po yang sinasabi nyo baka makita ng BI lagot.”

Inakusahan naman ng isang netizen si Pokwang na nang-i-stalk sa account ng dating live-in partner dahil naka-follow pa rin siya sa Instagram account nito.

Saad ng netizen, “So, nakafollow k kay Lee? Ibig sabihin stalker k s mga post nya? Paano k nakakapag comment s post nya?

“Birthday wishes nya eto s mother nya, pero Nandito k nakikipag away s mga ayaw sau? San ung respect mo s mother n Lee?” dugtong nito.

Siyempre, palaban pa rin si Mamang Pokwang, banat niya, “Kayong mga hunghang ang nag memention sakin dito wala akong kinalaman sa post na ito mga tanga!

“Kayo ang di maka move on! nananahimik ako mention pa more natural sasagot ako hahhaha DEPORTED!!! Aray!! Mga iyakin!” bwelta pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa pang basher ang nambasag sa komedyana, “Yes daming time!” Na niresbakan ni Pokey ng, “E anong tawag sa inyo? Bwahahhahahhaaa ULOL!!!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending