Hirit ni Pokwang, hindi obligasyon ng mga anak na tulungan ang magulang
NANINIWALA ang TV host-comedienne na si Pokwang na hindi responsibilidad ng mga anak na tulungan ang mga magulang kapag matatanda na ang mga ito.
Naging hot topic ang isyung ito sa mundo ng showbiz nang mag-viral ang isang vlog ng content creator na si Dani Barretto about “toxic Filipino culture: utang na loob sa magulang.”
Na-bash si Dani dahil sa pahayag niya tungkol sa mga magulang na ginagamit ang utang na loob laban sa kanilang mga anak. Aniya, hindi utang na loob ng mga anak ang pag-aalaga at pagpapaaral sa kanila ng mga magulang.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang
“Hindi ka puwedeng magkaroon ng utang na loob sa isang bagay na dapat nilang gawin para sa yo.
“Kasi there are some people who use that against people, parang, ‘Pinaaral kita, pinaganito kita, ganyan-gayan… so, dapat ito yung binibigay mo sa akin.’”
View this post on Instagram
Marami nang nag-react na celebrities hinggil sa mainit na isyu na ito at ang latest ngang nagbigay ng kanyang opinyon about this ay si Pokey.
Tulad ng punto ng ilang Pinoy, para kay Pokwang ay hindi talaga reponsibilidad ng anak na tulungan ang kanyang parents kung matatanda na ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Instagram stories, mababasa ang kanyang post na, “Responsibilidad ba ng anak na tulungan ang kanilang magulang kapag sila ay matanda na?”
Ito naman ang kanyang naging sagot, “Para sa ‘kin, NO! Basta ayusin lang nila buhay nila at itaguyod ang mga anak nila nang maayos, masaya na ako (heart emoji).”
Dalawa ang anak na babae ni Pokwang, sina Ria Mae at Malia. Ang una ay anak ng komedyana sa dating karelasyon habang si Malia ang produkto ng pagmamahalan nila ng kanyang ex-partner na si Lee O’Brian, na ipina-deport na palabas ng Pilipinas.
Nauna rito, nagbigay din ng saloobin ang award-winning veteran actor na si John Arcilla tungkol dito.
Paliwanag niya, “‘Utang na loob’ and ‘obligasyon’ are wrong words; ‘pag ang usapan ay mga magulang na ating pinanggalingan.
“Hindi naman talaga utang na loob o obligasyon ang pagkupkop o pagtulong sa mga tumatandang magulang—dahil ito ay normal at natural na duty ng mga anak.
“Kasing natural at normal nung inaalagaan nila tayo nung maliit pa. Pinakain, dinamitan, iginapang, at pinag-aral,” esplika pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.