Dani Barretto sa mga atat sa kasalang Julia-Gerald

Dani Barretto sa mga atat sa kasalang Julia-Gerald: ‘Wag n’yo silang i-pressure!

Pauline del Rosario |February 01,2024
facebook
share this

Dani Barretto sa mga atat sa kasalang Julia-Gerald: ‘Wag n’yo silang i-pressure!

Pauline del Rosario - February 01, 2024 - 02:14 PM

Dani Barretto sa mga atat sa kasalang Julia-Gerald: 'Wag n'yo silang i-pressure!

Dani Barretto, Julia Barretto, Gerald Anderson

APRUB na aprub ang aktor na si Gerald Anderson sa pamilyang Barretto.

‘Yan ang inihayag ng nakakatandang kapatid ni Julia na si Dani matapos ma-ambush interview sa isang brand event kamakailan lang.

“Oo, kasi swak talaga siya sa family namin. We adore him, he’s a great guy,” sey ni Dani.

Ano-ano nga ba ang nagustuhan nila sa aktor kung bakit bet na bet nila ito para kay Julia?

“I really like him kasi mabait siya at masaya ang kapatid ko sa kanya. My sister also grew a lot and vice versa. They’re so in-sync,” chika ng eldest sister ng aktres.

Paliwanag pa niya, “They like the same things, they like going on adventures, ang ganda ng dynamic nilang dalawa.”

Baka Bet Mo: Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?

Kasabay niyan ay umalma at nanawagan si Dani sa mga nangpe-pressure sa couple na magpakasal.

“May goals pa kasi sila na gustong ma-hit or magawa bago pa nilang maisip [magpakasal]. They’re still enjoying. Wag niyo silang i-pressure!” sambit ni Dani.

Patuloy pa niya, “Feeling ko kasing maraming tao ang nagsasabi sa kanilang [magpakasal]. Let them enjoy. They’re so in love and so happy.”

“Wala pa talagang gan’un. Maaga pa, guys. Promise. Kung mangyayari ‘yun, mangyayari ‘yun. Malalaman niyo rin,” saad pa niya.

Nilinaw na rin ni Dani ang chikang hiwalay na ang dalawa dahil ang totoo raw, nais maging pribado nina Gerald at Julia pagdating sa kanilang relasyon.

“Walang katotohanan ‘yun,” lahad ni Dani.

Wika pa niya, “Kapag ang [couple] hindi nagpo-post, break na. Kung hindi nila nakita sa Instagram Story, break na. Chill muna kayo.”

“Hindi ba they’re just being private, they’re enjoying their quiet time. They’re just enjoying being together,” kwento niya.

Aniya pa, “Lahat ng bagay ay hindi nakabase sa social media. Walang nangyaring gan’un.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan noong March 2023 nang sinabi ni Gerald sa isang panayam na nais niyang pakasalan si Julie, pero hindi pa siya nagpo-propose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending