Awra nag-sorry na sa nakarambulan sa bar at sa pamilya: Patawad

Awra nag-sorry na sa mga nakarambulan sa bar at sa pamilya: Patawad…

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Awra nag-sorry na sa mga nakarambulan sa bar at sa pamilya: Patawad…

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 10:25 AM

Awra nag-sorry na sa nakarambulan sa bar at sa pamilya: Patawad...

Awra Briguela at Vice Ganda

NAG-SORRY ang Kapamilya youngstar na si Awra Briguela sa lahat ng mga taong nasakatan at na-disappoint sa kinasangkutang kontrobersya last year.

Nag-post na mahabang open letter si Awra sa kanyang Instagram account kung saan buong-puso niyang inamin ang nagawang pagkakamali kasabay ng paghingi ng kapatawaran.

Ang tinutukoy ni Awra ay ang nangyaring rambulan sa isang bar sa Poblacion, Makati noong June, 2023, na nagresulta sa kanyang pagkakakulong ng ilang araw at ang pagsasampa sa kanya ng patung-patong na demanda.

Baka Bet Mo: Jake nakaranas ng matinding trauma dahil sa naranasang ‘car chase’ last year: Pero napakaswerte ko pa rin!

Kagabi, nagbahagi si Awra ng mahabang mensahe hinggil sa naturang insidente at binalikan ang mga nangyari makalipas ang halos isang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


“An open letter to the people I’ve disappointed, to the people who were involved, to the ones who believed in me, and especially to my family,” ang simulang pagbabahagi ni Awra.

“Gusto ko simulan sa pag hingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema.

“Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten (sa) isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panandalian imbis na ayusin natin ang problema,” aniya.

Baka Bet Mo: Awra Briguela inaming ‘mentor’ si Coco Martin, nag-sorry dahil naiba ang career path

Talaga raw naapektuhan nang todo ang kanyang pamilya sa kanyang nagawa, “Patawad kung nagbago ako at nag iba ang ugali ko. Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin kong mag bago at susubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay.

“Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay naway sana wag kayong mapagod na bigyan ako ng pag kakataon mag bago at bumawi sa lahat ng pag kakamali ko at ang pagkakataon na ‘to ay hinding hindi ko na sasayangin,” sabi pa ni Awra.

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng taong involved sa nangyari noon, “The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility. I will take all of these as a lesson that I will carry for the rest of my life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Ayon pa sa Kapamilya star, nag-usap at nagkaayos na rin daw sila ng mga nakaengkwentro niya sa naganap na gulo.

“I know we’re in good terms already and settled things privately but still want to say sorry and thank you for allowing and giving me the chance to apologize and for accepting it,” pahayag ni Awra.

Patuloy pa niya, “To the people who believed in me, I want to thank you all as well and I’m very sorry for letting you all down. I will make it up to you by correcting, fixing, and owning up my mistakes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“All of these were such a real nightmare and I don’t want to let the fear win again. This definitely served as a big big lesson for me,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending