Pag-amin ni Anthony kay Maris pak na pak: Aircon ka, kanal ako!

Pag-amin ni Anthony kay Maris sa CBML pak na pak: Aircon ka, kanal ako!

Ervin Santiago |May 07,2024
facebook
share this

Pag-amin ni Anthony kay Maris sa CBML pak na pak: Aircon ka, kanal ako!

Ervin Santiago - May 07, 2024 - 07:50 AM

Pag-amin ni Anthony kay Maris sa CBML pak na pak: Aircon ka, kanal ako!

Anthony Jennings at Maris Racal

PAK na pak ang episode ng “Can’t Buy Me Love” kung saan nagtapat na ng kanyang pag-ibig si Snoop (Anthony Jennings) kay Irene (Maris Racal).

Viral ang naturang eksena dahil talagang pinag-usapan at pinagtawanan ng mga manonood ang palitan ng punchlines  nina Maris at Anthony.

Sa episode 143 ng “Can’t Buy Me Love” mapapanood ang pagtungo ni Snoop sa magaganap na kasal ni Caroline (Belle Mariano) at Stephen (Darren Espanto) para aminin ang totoong damdamin para kay Irene.

Baka Bet Mo: Alden, Julia magtatambal sa ‘Five Break-Ups And A Romance’: ‘Gaano ka-complicated? Gaano kahirap at kasarap? Try nating manakit ng 5 beses’

Winner na winner ang naging dialogue ni Snoop kay Irene na talaga namang patok na patok sa madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Netflix Philippines (@netflixph)


“Irene, nagpunta rin ako rito kasi ayaw ko matulad kay Bingo. Alam ko suntok sa buwan ito, langit ka, lupa ako.

“Aircon ka, kanal ako, pero kahit na mayaman ka at ubod ka ng kaartehan ay tanggap kita.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon: ‘Ilang beses na po nasisira kaya hindi ko na po pinaayos’

“Gusto ko lang sabihin na hindi na ako takot kahit na isang dosenang maarteng Irene pa ang babies natin.

“Irene, magsusumikap ako para umunlad kahit ano pa sabihin nila wala akong pake, ipaglalaban kita sa mama mo, sa papa mo, kahit sino pa ‘yan. Mahal na kita, eh,” ang mahabang pagtatapat ni Snoop.

“What? What did you say?” ang hirit ni Irene.

Na sinagot naman ni Snoop ng, “Yun lang bungol. Sabi ko mahal na kita.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Okay,” ang tanging nasabi ni Irene.

Kaya nga lang hindi na nasagot ni Irene ang ipinagtapat ni Snoop dahil ipinahanap na siya ng kanyang pamilya para sa kanilang family picture sa church.

Huling linggo na ng “Can’t Buy Me Love” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN kaya naman huwag nang bibitiw dahil marami pang shocking twists and turns sa ending.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wishing and praying naman ang mga fans sa next projects nina Maris at Anthony at sana raw ay bigyan sila agad ng solo follow-up series ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending