DonBelle apektado sa mga pinagdaanan ng BingLing sa 'CBML'

DonBelle apektado sa mga pinagdaanan ng BingLing sa ‘Can’t Buy Me Love’

Ervin Santiago |April 23,2024
facebook
share this

DonBelle apektado sa mga pinagdaanan ng BingLing sa ‘Can’t Buy Me Love’

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 09:00 AM

DonBelle apektado sa mga pinagdaanan ng BingLing sa 'Can't Buy Me Love'

Belle Mariano at Donny Pangilinan (Photo from Instagram)

MAGKAHALONG lungkot at saya ang nararamdaman nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang hit series ng “Can’t Buy Me Love“.

In fairness, talagang consistent sa pagiging isa sa most-watched show sa Netflix at iWantTFC ang “Can’t Buy Me Love” mula nang magsimula ito hanggang ngayong malapit na ngang magtapos.

Para kay Belle, magiging parte na ng buhay niya ang kanyang karakter sa “CBML”, “Noong una si Caroline very stoic and now may puso siya.

Baka Bet Mo: DonBelle, iba pang cast ng ‘Can’t Buy Me Love’ nag-iyakan sa finale presscon

“Grabe talaga yung napagdaanan niya. Big help yung directors and character kasi sa kanila ako humuhugot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I have been Caroline for eight months and she’s always going to be a part of me. Kaya parang kung anong pinagdadaanan niya, pinagdadaanan ko rin with her,” aniya pa.

Say naman ni Donny, hindi dapat palampasin ng manonood ang natitirang episodes ng palabas dahil marami pang revelations.

“Sa dinami-rami ng pinagdaanan ng BingLing pati ng buong cast, Team Binondo at mga Tiu, grabe, everything is coming together.

Baka Bet Mo: ‘Bed scene’ nina Donny at Belle sa ‘Can’t Buy Me Love’ ikinaloka ng netizens: ‘Hindi ko siya kinaya!’

“Kahit ang daming revelations na, ang dami pa rin nating tanong kung anong mangyayari sa dulo. I’m just excited honestly as a viewer to also see what’s going to happen,” sabi ni Donny.

Para naman sa veteran star na si Nova Villa, totoong emosyon ang ipinapakita ng buong cast ng serye kaya naman patuloy itong tinatangkilik ng publiko.

“Makatotohanan yung ipinakita namin at binuhos namin effort at puso gumalaw at gumana. Nato-touch na ang viewers natin kasi hindi na kami umaarte at totoo na ang lumalabas,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Labis naman ang pasasalamat nina Anthony Jennings at Maris Racal sa pagmamahal na ibinigay ng publiko sa kanilang tandem.

Gabi-gabi nga ay patuloy na humahamig ng halos 200,000 concurrent views ang serye. Palagi rin tinutukan ng netizens ang mga kapanapanabik rebelasyon sa kwento pati na ang mga nakakatawang eksena ng karakter.

Labis din ang papuri na natanggap ng serye sa pagtalakay nito sa mental health.

Bukod dito, mas pinalago rin nila ang turismo sa Binondo at dinadayo na rin ito ng mas naraming Pilipino na ibinabahagi ang pagbisita sa mga lokasyon at i-recreate ang mga eksena mula sa serye.

Sa inilabas na finale trailer ng serye, kita nga rito kung paano pa susubukin ng tadhana at ng kani-kanilang problema ang posibleng pag-iibigan nina Bingo (Donny) at Caroline (Belle Mariano).

Mas magiging kumplikado nga ang relasyon nina Caroline at Bingo ngayong ididiin ng mga Tiu na si Annie (Ina Raymundo) ang pumatay kay Divine (Shaina Magdayao). Bukod pa rito ang mamumuong alitan ng dalawang pamilya dahil sa pagkuha ni Annie sa GLC.

Mapatunayan pa kaya nilang priceless ang pagmamahal at makuha pa kaya nilang magmahalan sa gitna ng kanilang susuungin pagsubok?

Ang “Can’t Buy Me Love” ay nasa ilalim ng produksyon ng StarCreatives at idinerehe nina Direk Mae Cruz Alviar, Direk Ian Loreños, at Direk Raymund Ocampo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang iba pang rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng “Can’t Buy Me Love”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending