Maris, Anthony hindi aksidente ang loveteam sa 'CBML'

Maris, Anthony hindi aksidente ang loveteam sa ‘Can’t Buy Me Love’

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 06:00 AM

Maris, Anthony hindi aksidente ang loveteam sa 'Can't Buy Me Love'

Anthony Jennings at Maris Racal

 

HINDI naman pala biglaan o aksidente lang ang pagtatambal nina Maris Racal at Anthony Jennings sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love“.

Kinumpirma ng production ng naturang serye na nakaplano talaga ang loveteam nina Maris at Anthony bilang sina Snoop at Irene simula pa lang ng pre-production.

Baka Bet Mo: Diether humingi ng paumanhin sa kinasangkutang aksidente; nagtamo lang ng bukol at galos

In fairness, talaga namang lumebel sa kasikatan ng tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang SnoRene na sumikat at nagmarka ng bonggang-bongga dahil sa “tae” o ‘poo-poo” scene nila sa serye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay Henry King Quitain, ang creative head ng Star Creatives, “Sa simula pa lang ng conceptualization namin ng ‘Can’t Buy Me Love’ meron na talaga. Nakaplano na talaga kami ng sub-plot ng kwento ng Snoop at Irene.

“It was formulated from the start kaya kung mapapansin ninyo sa simula pa lang nu’ng nakidnap si Irene, it was Snoop. It was intended that way.

“So planado siya from the very beginning and we’re so thankful na kinagat sila ng mga manonood apart from the phenomenon na sina DonBelle,” aniya pa.

Baka Bet Mo: K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

Sey naman ng direktor ng “CBML” na si Mae Cruz-Alviar, “I think in every show, aside from the leads na love team, there’s always a goal na meron kang mabuo na bagong love team or team-up.

“In every project, laging meron. So, I didn’t talk to them about it and I guess sila din, they saw the potential of the casting and the pair-up.

“I was on leave nu’ng first part of the show and then ‘yun na pala ‘yung nangyayari. They were planning na the launching of their (SnoRene) love story. I think naghahanap talaga sila kung sino ‘yung pwedeng bagong i-launch din,” ani Direk Mae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nauna rito, nagpasalamat si Maris sa lahat ng tumangkilik sa SnoRene, “Thankful ho talaga kami sa Star Creatives, sa show, sa mga nag-isip, sa mga nag-conceptualize, sa nakaisip na i-pair kami kasi thankful ako na dahil doon nakilala ko si Anthony.

“Sobrang sarap katrabaho (ni Anthony). Sobrang sarap kaeksena and finally nakahanap din ako ng kaeksena na sobrang well-connected.

“And alam namin kung saan namin gusto dalhin yung eksena. We are just having fun kung saan namin dadalhin yung eksena,” dagdag ng dalaga.

Para naman kay Anthony, “Overwhelmed din ako. Actually, speechless nga ako sa unexpected ng sa amin ni Maris.

“Nagpapasalamat din ako sa lahat ng bumuo ng mga eksena namin, sa lahat ng sumuporta sa amin at sumakay sa lahat ng trip namin ni Maris kung paano namin gusto ipakita si Snoop at Irene sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagpapasalamat din ako of course kay Maris kasi si Maris ano siya eh professional siya sa trabaho niya and ganoon din naman ako of course and nandoon naman yung paggalang namin sa isa’t isa and sa personal lives,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending