Maris Racal, Anthony Jennings bet magkaroon ng 'triplets'

Maris Racal, Anthony Jennings bet magkaroon ng ‘triplets’

Therese Arceo |March 22,2024
facebook
share this

Maris Racal, Anthony Jennings bet magkaroon ng ‘triplets’

Therese Arceo - March 22, 2024 - 01:20 AM

Maris Racal, Anthony Jennings bet magkaroon ng 'triplets'

PARAMI nang parami na talaga ang nahuhumaling sa tambalan ng Kapamilya stars na sina Maris Racal at Anthony Jennings sa drama series na “Can’t Buy Me Love”.

Sa katunayan, maging ang mahusay na TV host-vlogger na si Luis Manzano ay kinikilig sa chemistry ng dalawa na inamin niya habang ini-interview niya ang dalawa para sa kanyang vlog na “Luis Listens”.

Dito ay natanong ng TV host kung ano ang naging impression nila sa isa’t isa dahil ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila at unexpected ang naging pagtanggap sa kanila ng mga tao.

“So si Maris, alam ko naman na mabait siya kasi nakikita ko siya kung paano siya makisama sa mga tao,” saad ni Anthony.

Baka Bet Mo: Maris Racal, Anthony Jennings magpapakilig uli, may bagong project together

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inalala pa nga noon ng aktor ang naging interview niya sa dalaga online during pandemic na hindi na raw maalala nang huli.

Kuwento naman ni Maris, “Pero ang tumatak sa akin ‘yung sa dressing room ng Christmas Special 2022. Tapos hindi siya tumitingin ss akin. Si Louise [Abuel] lang ang nagha-hi sa akin.

“Tapos same kami ng dressing room nung Christmas special tapos sabi ko, ‘A, ok. Hindi na rin kita papansinin.'”

Pero ngayon ay mas naa-appreciate na nila ang isa’t isa lalo na’t click rin ang ugali at kakulitan nila.

Nang tanungin naman ni Luis sina Maris at Anthony kung ano ang gusto nilang maging ending ng tambalan nila sa “Can’t Buy Me Love”, sinabi ng dalawa na gusto nilang magkaanak.

“Kung saka-sakali man papapiliin kayo kung ano magiging ending ng kuwento ni Snoop saka ni Irene, ano ‘yon?” tanong ni Luis.

“Magkaka-baby sila,” sagot ni Maris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundot naman ni Anthony, “Oo, ayun ‘yung triplets.”

Chika pa ni Maris, “Sana magka-baby sila para naman may closure ‘yung ano natin, ‘yung paghahabulan sa isa’t isa about pregnancy.”

“Saka du’n nalungkot ‘yung tao talaga eh. Nu’ng nalaman nilang hindi siya buntis [Irene],” sey naman ni Anthony.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending