'Bed scene' nina Donny at Belle sa 'Can't Buy Me Love' ikinaloka ng netizens: 'Hindi ko siya kinaya!' | Bandera

‘Bed scene’ nina Donny at Belle sa ‘Can’t Buy Me Love’ ikinaloka ng netizens: ‘Hindi ko siya kinaya!’

Ervin Santiago |November 01,2023
facebook
share this

‘Bed scene’ nina Donny at Belle sa ‘Can’t Buy Me Love’ ikinaloka ng netizens: ‘Hindi ko siya kinaya!’

Ervin Santiago - November 01, 2023 - 07:13 AM

'Bed scene' nina Donny at Belle sa 'Can't Buy Me Love' ikinaloka ng netizens: 'Hindi ko siya kinaya!'

Belle Mariano at Donny Pangilinan

SHOOKT ang mga fans and supporters ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano sa “pa-bed scene” ng magka-loveteam sa kanilang seryeng “Can’t Buy Me Love.”

As in napanganga ang mga ito sa ipinalabas na episode 11 ng pinag-uusapan at palaging trending na “Can’t Buy Me Love,” ang kauna-unahang teleserye ng DonBelle sa ABS-CBN.

Napanood din namin ang nasabing eksena kung saan nag-check in sa isang hotel sina Caroline (Belle) at Bingo (Donny) para pag-usapan at paghandaan ang gagawin nilang pag-iimbestiga sa mga taong posibleng nasa likod ng pag-kidnap sa dalaga.

Sa isang bahagi ng naturang episode, inutusan ni Caroline si Bingo na malign at habang nasa banyo ang binata ay dumating naman ang kaibigan niyang si Jersey (Chie Filomeno) bitbit ang ilang damit panlalaki.

At paglabas ni Bingo sa CR, nakaupo na sa kama si Caroline at inutusan ang binata na lumapit sa kanya at umupo sa kama.

Kasunod nito, unti-unting hinubad ni Caroline ang pang-itaas na suot na robe ni Bingo hanggang sa lumantad na ang hunky body nito.

Baka Bet Mo: Hirit ni Luis sa mga paandar ni Baby Peanut: Nagla-laptop na siya, nagsu-sudoku…

Pero kung inaakala n’yo na may gagawing something shocking si Caroline kay Bingo, nagkakamali kayo.

Isusukat lang pala ng dalaga ang isa sa mga damit na dinala ni Chie dahil kailangang magpanggap ni Donny para sa kanilang mga gagawing plano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In fairness, maraming manonood ang naloka sa eksena dahil inakala nga nila na magkakaroon na ng “love scene” ang magka-loveteam. Ha-hahaha!

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan pinakilig ang mga fans nang rumatsada sa Divisoria: ‘Ang gwapo namang kargador niyan!’

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa social media.

“Nakakaloka! Akala ko talaga may pa bed scene na ang DonBelle! Seyeng nemen!”

“Ang ganda pala ng katawan ni Donny! Sana mas marami pang topless moments para araw-araw may ulam na ko. Extra rice na lang!”

“I’m not a fan of Belle and Donny but I like the story kaya lagi ko itong inaabangan.”

“Kainis yung scene sa bed, napagkamalan tuloy spg scene ng papa ko.”

“Sooo kilig!”

“Di ko kinaya HAHAHAHAHAHAHA ano iniisip mo Bingo?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang “Can’t Buy Me Love” sa Netflix, iWantTFC, Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending