Glaiza binigyan ng napakataas na standard ang pagiging BFF

Glaiza binigyan ng napakataas na standard ang pagiging BFF

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 09:00 AM

Angelica kay Glaiza: Binigyan mo ng napakataas na standard ang pagiging BFF

Glaiza de Castro at Angelica Panganiban

SANA all may BFF tulad ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na abot-langit kung papurihan papurihan ng kanyang kaibigang si Angelica Panganiban.

Isang bonggang appreciation post ang ibinahagi ni Angelica para kay Glaiza na nagsilbing Matron of Honor niya sa second wedding nila ni Gregg Homan sa Siargao.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Angelica ng litrato nila ng kanyang bestfriend ba kuha sa naganap na beach wedding ceremony nila ng kanyang asawa last weekend.

Baka Bet Mo: Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: ‘Respeto na lang sa current partner mo’

“Appreciation post para kay matron of honor.

“Simple lang to promise. Kung noon, hinahatid lang natin ang isa’t isa sa mga bahay natin habang natatakot tayo sa mga magulang natin kung papagalitan ba tayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ngayon, nahatid na natin ang isa’t isa sa altar,” ang bahagi ng inilagay na caption mi Angelica sa litrato nila ni Glaiza.

Sey ni Angge, talagang itinaas ng Kapuso star ang standard ng tunay na kahulugan ng salitang “friendship.”

“Binigyan mo ng napakataas na standard ang pagiging bestfriend.

“Paulit ulit kitang pipiliin maging pinaka matalik na kaibigan saan mang universe tayo dalhin. Mahal kita bataaah,” mensahe pa ng Kapamilya actress para sa kaibigan.

Baka Bet Mo: Angel, Judy Ann, Sofia nakatanggap ng regalo mula kay Marian: Maraming salamat ganda!

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Angelica at Glaiza nang magkasama sila sa ABS-CBN teen-oriented TV series na “Berks” na umere mula 2002 at tumagal hanggang 2004.

Unang ikinasal sina Angelica at Gregg sa Los Angeles, California, last year at biniyayaan nga sila ng isang anak, si Amila Sabine o Baby Bean.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nauna nang nagpasalamat si Angge sa kanyang mister na si Gregg sa pamamagitan ng kanyang wedding vow. Aniya, never daw niyang sinukuan ang love sa kabila ng ilang beses na pagkabigo sa pakikipagrelasyon.

Iyak nang iyak ang aktres at celebrity mom habang binabasa ang wedding vows para sa kanyang asawang si Gregg Homan sa kanilang beach wedding na ginanap sa Siargao last week.

Sa isang Instagram reel, inamin ni Angelica na maraming pagkakataon na na nasaktan siya nang dahil sa pag-ibig pero hindi siya kailanman nawalan ng pag-asa na may taong darating sa buhay niya na mamahalin din siya nang bonggang-bongga.

“Ilang beses din akong nadapa, nasaktan, umiyak. Pero ni minsan, hindi ako sumuko sa pag-ibig.

‘Alam kong darating din ang panahon na ibibigay din sa akin ng Bathala ang karapat-dapat. At dumating ang araw na hindi ko malilimutan—dumating ka,” ang lumuluhang mensahe ni Angelica kay Gregg.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong pa niya, “Ikaw ang naging sagot sa lahat ng bakit ko noon. Dahil sa ‘yo, naging sapat ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending