Streetboys nag-reunion sa kanilang 31st anniversary: Iconic!

Streetboys nag-reunion para sa kanilang 31st anniversary: Iconic!

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 12:59 AM

Streetboys nag-reunion para sa kanilang 31st anniversary: Iconic!

Original members ng Streetboys kasama si Direk Chito Roño

FEELING senti ang mga fans ng all-male dance group na Streetboys na nag-celebrate ng kanilang 31st anniversary ngayong taon.

Kasunod ito ng kanilang reunion perfomance sa “THE SIGN ’90s Showdown” benefit dance concert na ginanap sa Aliw Theater, CCP Complex sa Pasay City.

Wala ang original Streetboys members sa naturang dance concert na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario dahil sa kanilang previous commitments.

Pero present na present naman sila sa selebrasyon ng ika-31 anibersaryo ng iconic group.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro muling nakasama ang mga kasamahan sa StreetBoys

Sa official Facebook page ng Streetboys, naka-upload ang litrato ng grupo na kuha kanilang simple reunion.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by streetboys original (@streetboys_)


Bukod kina Vhong at Jhong, naroon din sina Spencer Reyes at Michael Sesmundo, na umuwi pa talaga sa Pinas mula sa United Kingdom kung saan sila naninirahan ngayon.

Present din sina Danilo Barrios, Meynard Marcellano at Christo Cruz.

Ang nakalagay sa caption ng kanilang FB post, “Streetboys: 31 Years of Dance, Dreams, and Dedication.

“From humble beginnings on the streets to becoming icons of dance, our journey has been filled with passion, perseverance, and plenty of groove!

“Through thick and thin, our unity has been our secret weapon, turning every challenge into a stepping stone to success.

Baka Bet Mo: Aljur wala nang mahihiling pa sa 31st b-day: Salamat sa aking asawa na laging nandiyan…

“Our hardships only fueled our fire, pushing us to dance harder and dream bigger. Here’s to 31 years of talent that knows no bounds, unity that inspires, and love that keeps us going strong.

“To our fans who’ve been with us every step of the way, thank you for making it all worthwhile! Let’s keep the dance alive!”

Makikita rin sa official Facebook account ng grupo ang kanilang mga throwback posters and photos from their various events mula pa noong 1994.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by streetboys original (@streetboys_)


Sa isang panayam, nabanggit ni Meynard ang huling pagkakataon na nag-perform  ang lahat ng miyembro ng Streetboys, “Last time was during the Christmas Special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum.

“Nagsayaw rin kami sa PGH kasi rinequest ni Jhong na kung puwede ba kami sumayaw for charity kasi kilala niya yung isang doctor du’n.

“So hindi lang din kami nagkakasama sa sayaw, minsan nag-ge-get together din kami, nagkukuwentuhan lang kami and konting drinks ng juice, mga ganu’n.

“Most recently lang is nu’ng Christmas and then nu’ng January. Tapos nagre-reunion din kami minsan,” aniya pa.

Naikuwento naman ni Spencer sa isa pang panayam kung gaano rin kahirap ang pinagdaanan ng grupo lalo na noong nagsisimula pa lang sila.

“Siyempre pag nagsimula ka you need to know kung sino yung tutulong sa ‘yo, parang ganu’n. Good thing, merong taong nagtiwala sa amin.

“And then nag-audition, nabuo kami as the Streetboys. Actually we were 13 original members and sabi lalabas kami sa TV pero umabot ng mga six months, seven months, sumasayaw lang kami sa disco-han.

“And then ang bayad lang sa amin dun is two stubs for iced tea plus pulutan. That’s it.

“So na-test yung tiwala, yung patience, yung faith. So yung kalahati ng members namin nun hindi na bumalik. So ang bumalik lang is kami and then dun na nagsimula yung lumabas kami sa TV. And then yung umalis, gustong bumalik kasi nakita na kami sa TV, hindi na nakabalik,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Streetboys” ay binuo ng award-winning director na si Chito Roño noong 1993.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending