Vhong Navarro muling nakasama ang mga kasamahan sa StreetBoys | Bandera

Vhong Navarro muling nakasama ang mga kasamahan sa StreetBoys

Therese Arceo |December 17,2022
facebook
share this

Vhong Navarro muling nakasama ang mga kasamahan sa StreetBoys

Therese Arceo - December 17, 2022 - 01:17 PM

Vhong Navarro muling nakasama ang mga kasamahan sa StreetBoys

NAGKITA-KITA muli ang mga miyembro ng all-male dance group na StreetBoys na kinabibilangan ng TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Tila isang reunion nga ang naganap sa magkakaibigan matapos ang pansamantalang kalayaan ng “It’s Showtime” host mula sa kanyang halos tatlong buwang pagkakakulong sa NBI Detention Center at Taguig City Jail.

Ang StreetBoys ay sumikat noong ’90s na kinabibilangan nina Vhong, Jhong Hilario, Danilo Barios, Spencer Reyes, Maynard Marcellano, Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, at Nicko Manalo.

Nitong December 12 ay ibinahagi nila sa kanilang Facebook page ang latest photo nilang magkakasama.

Bagamat hindi sila kumpleto ay makikita namang masaya si Vhong na makita ang kanyang mga itinuturing ring mga kapatid mula noon.

“A very merry Christmas to all of you! Brothers for life! From the bottom of our hearts…. A huge ‘THANK YOU’ for the prayers and undying support! May God be with us always,” saad ng StreetBoys na may mga hashtags pang “#gratefulheart” at “#fightingforlove”.

Super happy naman ang mga netizens na makitang muling magkakasama ang all-male dance group kahit na hindi sila kumpleto.

“It’s good to know that Vhong has that kind of brotherhood that uplifts his spirit specially in times that he really needs one. We love you Vhong.. We support you in prayers,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hello guys nice to see you all together again. I love you all guys and have a blessed merry christmas to all of us.”

Ni-repost rin ni Joey ang naturang larawan kasama si Vhong at ang caption ay, “Nandito lng kami para sa isat isa, streetboys for life. #streetboys #brotherhood”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey Andres Sb (@joeyandres_sb)

Talagang tanda ito na suportado nila ang kanilang kaibigan sa kasong kinakaharap nito.

Matatandaang nitong December 6 ay pinayagang magkapag-piyansa sa halagang isang milyong piso si Vhong at kasalukuyang nabigyan ng temporary liberty mula sa rape case nitong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

Related Chika:
Streetboys kumampi kay Vhong Navarro: Naniniwala kami na siya ay inosente

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending