Streetboys kumampi kay Vhong Navarro: Naniniwala kami na siya ay inosente | Bandera

Streetboys kumampi kay Vhong Navarro: Naniniwala kami na siya ay inosente

Therese Arceo - September 20, 2022 - 03:06 PM

Streetboys kumampi kay Vhong Navarro: Naniniwala kami na siya ay inosente

NANINIWALA ang grupong Streetboys na inosente ang kanilang member na si Vhong Navarro laban sa mga ibinabatong paratang sa kanya.

Sa ngayon ay naka-detain pa rin ang “It’s Showtime” host sa National Bureau of Imbestigation dahil sa arrest warrant na inilabas ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court nitong Lunes, September 19, 2022.

Matatandaang nagsampa ng non-bailable rape complaint si Deniece Cornejo laban kay Vhong noong January 2014.

Kaya naman nagsimula nang gumawa ang Streetboys ng isang movement para magpakita at magparamdam ng suporta sa kanilang kaibigan.

Kalat na nga ang naturang larawan sa Facebook na ginamit ng mga tagasuporta ni Vhong para iparamdam ang kanilang pakikiisa sa kinakaharap na mga paratang ng TV host-comedian at may mga hashtags pang #WeBelieveVhong at #JusticeForVhong.

“Let’s all unite & share this thread to show our support to brother Vhong Navarro. We need your help na mabigyan sya ng hustisya. Matagal namin kakilala si Vhong at naniniwala kaming buong grupo na s’ya ay inosente,”pagpapaliwanag ng Streetboys ukol sa movement na kanilang isinusulong para sa kaibigan.

Dagdag pa nila, “Please use this photo to show our support. Paki-repost sa wall or gawin n’yong profile picture kayo na po ang bahala. Kailangan niya ang ating mga dasal at suporta.”

Hiling rin nila na magsama-sama ang lahat ng sumusuporta kay Vhong na ipagdasal ang ito at para mabigyan ng hustisya ang mga nangyayari sa kanilang kaibigan.

“Taos-puso kami nagpapasalamat in advance sa inyong mga walang sawang pagmamahal. Mabuhay kayong lahat. And God be with you and your family,” sey pa ng dance group na kinabibilangan ni Vhong.

Maliban sa Streetboys ay nagpakita rin ng pagsuporta sa TV host-comedian ang award-winning director na si Chito Roño na siya ring manager ng dance group.

Maski ang kanyang “It’s Showtime” family ay nagphayag ng suporta at nagpadala ng mensahe sa kanilang co-host on air.

“Kuys Vhong, nandito lang kami. Kapit lang, we love you,” sey ni Jhong.

Dagdag naman ni Vice, “Mag-group hug tayo para kay Vhong… We love you, Vhong. We will all be praying for you.”

Matatandaang personal na pumunta ang TV host-comedian sa NBI kahapon para sumuko matapos ilabas ang arrest warrant para sa acts of lasciviousness na isinampa ni Cornejo.

Nag-piyansa rin si Vhong ng halagang P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ngunit hindi na siya nakauwi dahil sa panibagong arrest warrant na inilabas ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan para naman sa non-bailable rape complaint na reklamo rin ni Cornejo laban sa aktor.

Related Chika:
Vhong Navarro pinakakasuhan ng rape, acts of lasciviousness ng Court of Appeals base sa reklamo ni Deniece Cornejo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Deniece Cornejo hindi iuurong ang rape case laban kay Vhong Navarro: Laban kung laban, wala nang atrasan

Vhong Navarro hindi nagpasindak kay Deniece Cornejo, muling ilalaban ang rape at acts of lasciviousness case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending