Aljur wala nang mahihiling pa sa 31st b-day: Salamat sa aking asawa na laging nandiyan... | Bandera

Aljur wala nang mahihiling pa sa 31st b-day: Salamat sa aking asawa na laging nandiyan…

Ervin Santiago |March 25,2021
facebook
share this

Aljur wala nang mahihiling pa sa 31st b-day: Salamat sa aking asawa na laging nandiyan…

Ervin Santiago - March 25, 2021 - 03:07 PM

“WALA na akong mahihiling pa!” Yan ang ipinagdiinan ng Kapamilya hunk actor sa pagse-celebrate niya ng kanyang 31st birthday kahapon, March 24.

Isang simpleng selebrasyon lamang ang idinaos sa kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya dahil nga sa pagpapatupad muli ng mas istriktong safety protocols dahil sa tumataas na namang bilang ng COVID cases sa bansa.

Nag-post si Aljur ng ilang litrato sa  Instagram na kuha sa naganap na birthday celebration niya kasabay ng pagpapasalamat sa asawa niyang si Kylie Padilla pati na rin sa kanilang mga anak.

Ang caption na isinulat ng aktor,  “Unang una salamat sa Panginoon sa tuloy-tuloy na biyayang pinagkaloob niya sa 31 years ng eksistensiya ko. Sa pamilya na laging nandyan upang alalayan ako.

“Sa mga kaibigan na nagtitiwala at nananatiling totoo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

“Sa aking asawa at mga anak na nand’yan upang mas pagbutihin ko pa ang aking sarili,” mensahe pa ni Aljur.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz na nakaalala sa kanyang special day, lalo na ang mga nagsabing ipagdarasal nila ang kaligayahan at kaligtasan ng kanyang pamilya.

“Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man meron ako,” sabi pa ni Aljur.

Kung matatandaan, last February lang ay kumalat ang chika na nagkakalabuan na raw ang celebrity couple matapos mag-post ng cryptic message si Kylie sa Instagram na may konek sa usapin ng pakikipagrelasyon.

Nu’ng time na yun, binura rin ng Kapuso actress ang mga litrato nila ni Aljur together sa IG kaya naman mas tumindi pa ang chika na naghiwalay na ang mag-asawa.

Nito namang nakaraang linggo, ibinalita ni Kylie na mas naging bonded pa ang kanilang pamilya matapos maospital ang anak nila ni Aljur na si Alas dahil sa kagat ng aso.

“This time we had together has bonded us even more. It is truly through struggle we find strength and a new perspective and it is life’s way of teaching us to appreciate what we have and what is front of us. Family through and through,” ang post ni Kylie sa IG kalakip ang litrato ng anak habang nasa ospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Aljur at Kylie noong December, 2018, at biniyayaan nga ng dalawang anallk — sina Axl Romeo at Alas Joaquin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending